Isa na yata ang bentilador sa pinakamahalagang kasama tuwing tag-init. Masyado mahal ang kuryenteng babayaran kapag panay ang gamit ng aircon, at masakit naman sa braso kapag panay pamaypay ka buong araw. Salamat at may nag-imbento ng bentilador!
The electric fan is one of the most precious companions during the summer. Using the A/C can skyrocket your electric bill, and using a fan by hand all day can lead to a painful arm! Thank goodness someone invented the electric fan.

Minsan ay nagsasabit ako ng pampalinis ng hangin sa harap ng bentilador. Isa itong maliit na pakete na naglalaman ng bango at kalamigan ng eucalyptus. Isipin mo nalang na hinanginan ang Vicks. Napakabango diba? Hindi lang siya nakakalinis ng hangin sa maliit na bahagi ng bahay, nakakaluwag pa ng paghinga.
Sometimes I place an air sanitizer in front of the fan’s grills. This small pack holds the scent and coolness of eucalytpus. Think of blasting air at a bottle of Vicks. Wouldn’t that smell so good? It doesn’t only sanitize small areas of your home, as an inhalant it brings much relief too.
Pwede mo rin idikit ang paketeng ito sa likod ng bentilador. Ngunit kung ginawa ko ito, wala na akong ilalahok sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Hehehe. Mainam din itong isabit sa harap ng aircon (masarap sa gabi!) o kaya naman isabit mo ang tali sa iyong liig (‘wag lang sana sumabit sa kung saan!).
You can also put the sachet at the back of the fan. If I did this though, I wouldn’t have an entry for this Thursday’s Litratong Pinoy. Hehehe. It’s also good to hang this sachet near the airconditioner vents (especially at night!) or hang the stringed sachet around your neck (just don’t let the string get caught somewhere!).
Ito ang aking pangalawang lahok sa Litratong Pinoy. Ang tema ngayong linggo ay ang “Ihip ng Hangin.”
This is my 2nd entry to Litratong Pinoy. This week’s theme is about the wind.
Em Dy
May 29, 2008 at 2:47 pm (15 years ago)Magandang ideya yang pagsabit ng pampabango sa bentilador. Salamat sa pagbabahagi. Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..Ang Tao at ang Kalikasan
Jeanny
May 29, 2008 at 3:12 pm (15 years ago)Yan ang kailngan ko para maging fresh yung hangin sa bahay. Minsan kasi maalinsangan sa sobrang init. Galing talaga. Salamat Toni
Jeannys last blog post..LP#9 Ihip ng hangin
architect
May 29, 2008 at 4:22 pm (15 years ago)ganda!! gandang hwebes!!!!!
Dyes
May 29, 2008 at 5:06 pm (15 years ago)siguro ay nagpapabanayad din yan ng kalooban ano?
happy hwebes!
Dyess last blog post..L.P. # 9: Ihip ng Hangin
Surfergirl
May 29, 2008 at 7:37 pm (15 years ago)uy ngayon ko lang natuklasan yang pakete. nakaka intriga. gusto kong masubukan minsan. antayin ko muna lumipas ang nakakainis na tag-lamig dito. salamat sa pagbisita and maligayang huwebes sa iyo!
Surfergirls last blog post..Litratong Pinoy 1: IHIP NG HANGIN
faye
May 29, 2008 at 7:49 pm (15 years ago)gandang araw! : ) napakagandang ideya niyan. subalit…. maaari ko ba malaman kung saan makabibili ng isinabit mong iyan sa iyong bentilador? malaking tulong iyan sa aking pamilya lalo na sa mga panahon ng tag-ulan.. salamat!
ayen
May 29, 2008 at 7:53 pm (15 years ago)wow, magandang ideya! di ko pa nasubukan un. lubos pa namang nakakaginhawa ang amoy ng eucalyptus.
ayens last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
Meeya
May 29, 2008 at 8:53 pm (15 years ago)uy hindi ba delikado yung nakasabit? hehe. ang tagal na namin hindi gumagamit ng ganyang klaseng bentilador (puro ceiling fans kasi kami) dahil, alam mo na, may malikot ng batang kasya ang maliliit na daliri sa rehas ng bentilador, hehe.
Meeyas last blog post..LP09: Hangin
christine
May 29, 2008 at 9:28 pm (15 years ago)ang galing.. may tip na kasama.
pareho kami ni mee. dahil sa mga bulilit, mahirap gumamit ng stand or desk fan. 
happy thursday!
christines last blog post..LP 9: Hangin (Wind)
G_mirage
May 29, 2008 at 10:09 pm (15 years ago)Tamang tama dahil tag init na, hahanap ako! At kitang kita ko ang pagglaw niyan dahil sa ihip ng hangin! Gandang huwebes!
G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Ihip ng Hangin
nina
May 30, 2008 at 3:16 am (15 years ago)maganda ang ideya mo toni. gagayahin ko ito sa air-conditioner ng aming kuwarto
ninas last blog post..LP – Tubig
lino
May 30, 2008 at 6:24 am (15 years ago)nice, pareho tayo…
linos last blog post..ihip ng hangin…
mousey
May 30, 2008 at 6:43 am (15 years ago)napaka bango naman dito!
Linnor
May 30, 2008 at 6:49 am (15 years ago)masubukan din nga ang maglagay ng eucalyptus scented freshener. laging potpourri scented or vanilla ang naaamoy ko sa amin
Linnors last blog post..Hangin
RoseLLe (Reflexes)
May 30, 2008 at 9:01 am (15 years ago)wow! itong sa iyo ay pampabango ng hangin at pampa-relax ng pakiramdam. magandang ediya. magandang araw ng Huwebes sa iyo.
RoseLLe (Reflexes)s last blog post..Blog Approved!
ces
May 30, 2008 at 9:54 am (15 years ago)ayos itong lahok mo toni!anong tatak nyan? at gawa ba sa atin iyan? ang bango sigurado nyan, eucalyptus e..dko na klangan bumili ng dried!
cess last blog post..LP#9: Wind [Ihip ng Hangin]
Bahchi
May 31, 2008 at 10:02 am (15 years ago)Ginagawa rin namin dito yan sa bahay. Aromatherapy ang gamit ko sa akin. Masarap sa pang-amoy lalo na sa gabi
Salamat sa pagdalaw sa lahok ko.
Pinky
May 31, 2008 at 4:40 pm (15 years ago)Parang magandang ideya yung magsabit ng pampabango sa bintilador ha! At nung binanggit mo na Vicks na may eucalyptus, nakaramdam ako ng karagdagang lamig – hehehe
Happy weekend, Toni!
Pinkys last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin
MommyBa
May 31, 2008 at 11:31 pm (15 years ago)mabuti na lang at nabasa ko itong entry mo. ngayon naalala ko na yung equivalent ng vicks na pwedeng isabit sa bentilador at aircon!
maraming salamat! happy weekend po!
MommyBas last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin (Wind))
Rachel
June 3, 2008 at 11:53 pm (15 years ago)haha ang kulit mo ate toni, pero infairness ang galing ng idea mo. masubungan nga din magsabit ng freshener sa electric fan, wag lang nga sana sumabit sa elisi.