Sa May Bentilador

by

Isa na yata ang bentilador sa pinakamahalagang kasama tuwing tag-init. Masyado mahal ang kuryenteng babayaran kapag panay ang gamit ng aircon, at masakit naman sa braso kapag panay pamaypay ka buong araw. Salamat at may nag-imbento ng bentilador!

The electric fan is one of the most precious companions during the summer. Using the A/C can skyrocket your electric bill, and using a fan by hand all day can lead to a painful arm! Thank goodness someone invented the electric fan.

Using the wind

Minsan ay nagsasabit ako ng pampalinis ng hangin sa harap ng bentilador. Isa itong maliit na pakete na naglalaman ng bango at kalamigan ng eucalyptus. Isipin mo nalang na hinanginan ang Vicks. Napakabango diba? Hindi lang siya nakakalinis ng hangin sa maliit na bahagi ng bahay, nakakaluwag pa ng paghinga.

Sometimes I place an air sanitizer in front of the fan’s grills. This small pack holds the scent and coolness of eucalytpus. Think of blasting air at a bottle of Vicks. Wouldn’t that smell so good? It doesn’t only sanitize small areas of your home, as an inhalant it brings much relief too.

Pwede mo rin idikit ang paketeng ito sa likod ng bentilador. Ngunit kung ginawa ko ito, wala na akong ilalahok sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Hehehe. Mainam din itong isabit sa harap ng aircon (masarap sa gabi!) o kaya naman isabit mo ang tali sa iyong liig (‘wag lang sana sumabit sa kung saan!).

You can also put the sachet at the back of the fan. If I did this though, I wouldn’t have an entry for this Thursday’s Litratong Pinoy. Hehehe. It’s also good to hang this sachet near the airconditioner vents (especially at night!) or hang the stringed sachet around your neck (just don’t let the string get caught somewhere!).

Ito ang aking pangalawang lahok sa Litratong Pinoy. Ang tema ngayong linggo ay ang “Ihip ng Hangin.”
This is my 2nd entry to Litratong Pinoy. This week’s theme is about the wind.

20 Comments on Sa May Bentilador

  1. Em Dy
    May 29, 2008 at 2:47 pm (14 years ago)

    Magandang ideya yang pagsabit ng pampabango sa bentilador. Salamat sa pagbabahagi. Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..Ang Tao at ang Kalikasan

    Maraming salamat. 😀

    Reply
  2. Jeanny
    May 29, 2008 at 3:12 pm (14 years ago)

    Yan ang kailngan ko para maging fresh yung hangin sa bahay. Minsan kasi maalinsangan sa sobrang init. Galing talaga. Salamat Toni :)

    Jeannys last blog post..LP#9 Ihip ng hangin

    Korek! Lalo na sa kwartong naka-aircon. Masarap sa masarap!

    Reply
  3. architect
    May 29, 2008 at 4:22 pm (14 years ago)

    ganda!! gandang hwebes!!!!!

    Hello Architect! Maraming salamat sa pagdalaw.

    Reply
  4. Dyes
    May 29, 2008 at 5:06 pm (14 years ago)

    siguro ay nagpapabanayad din yan ng kalooban ano?

    happy hwebes!

    Dyess last blog post..L.P. # 9: Ihip ng Hangin

    Korek ka dyan. Salamat sa bisita!

    Reply
  5. Surfergirl
    May 29, 2008 at 7:37 pm (14 years ago)

    uy ngayon ko lang natuklasan yang pakete. nakaka intriga. gusto kong masubukan minsan. antayin ko muna lumipas ang nakakainis na tag-lamig dito. salamat sa pagbisita and maligayang huwebes sa iyo! :)

    Surfergirls last blog post..Litratong Pinoy 1: IHIP NG HANGIN

    Sana’y masubukan at magustuhan mo ito. Salamat sa pagdaan!

    Reply
  6. faye
    May 29, 2008 at 7:49 pm (14 years ago)

    gandang araw! : ) napakagandang ideya niyan. subalit…. maaari ko ba malaman kung saan makabibili ng isinabit mong iyan sa iyong bentilador? malaking tulong iyan sa aking pamilya lalo na sa mga panahon ng tag-ulan.. salamat!

    Kamusta Faye? Ito ay nabili ko sa Mercury Drugstore. Binebenta sya ng de-kahon na may hindi liliit sa limang pakete ang laman. Ang tatak niya ay Vaporin.

    Reply
  7. ayen
    May 29, 2008 at 7:53 pm (14 years ago)

    wow, magandang ideya! di ko pa nasubukan un. lubos pa namang nakakaginhawa ang amoy ng eucalyptus. :)

    ayens last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

    Nakakabanayad nga ng pakiramdam!

    Reply
  8. Meeya
    May 29, 2008 at 8:53 pm (14 years ago)

    uy hindi ba delikado yung nakasabit? hehe. ang tagal na namin hindi gumagamit ng ganyang klaseng bentilador (puro ceiling fans kasi kami) dahil, alam mo na, may malikot ng batang kasya ang maliliit na daliri sa rehas ng bentilador, hehe. :)

    Meeyas last blog post..LP09: Hangin

    Walang bata sa aming bahay kaya okay na okay lang ang mga ganyang sabit-sabit, hehehe.

    Reply
  9. christine
    May 29, 2008 at 9:28 pm (14 years ago)

    ang galing.. may tip na kasama. :) pareho kami ni mee. dahil sa mga bulilit, mahirap gumamit ng stand or desk fan. :)

    happy thursday!

    christines last blog post..LP 9: Hangin (Wind)

    Two-in-one! Lahok na, tip pa. Haha. Maligayang weekend naman sa iyo. Ano ba tagalog ng weekend?

    Reply
  10. G_mirage
    May 29, 2008 at 10:09 pm (14 years ago)

    Tamang tama dahil tag init na, hahanap ako! At kitang kita ko ang pagglaw niyan dahil sa ihip ng hangin! Gandang huwebes!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Ihip ng Hangin

    Maraming salamat sa iyong pagdalaw G!

    Reply
  11. nina
    May 30, 2008 at 3:16 am (14 years ago)

    maganda ang ideya mo toni. gagayahin ko ito sa air-conditioner ng aming kuwarto :)

    ninas last blog post..LP – Tubig

    Sige! Subukan mo ito. Nakakarelaks talaga.

    Reply
  12. lino
    May 30, 2008 at 6:24 am (14 years ago)

    nice, pareho tayo… :)

    linos last blog post..ihip ng hangin…

    Ribbon sa iyo, eucalytpus naman sa akin!

    Reply
  13. mousey
    May 30, 2008 at 6:43 am (14 years ago)

    napaka bango naman dito!

    Mabango at malamig sa pakiramdam!

    Reply
  14. Linnor
    May 30, 2008 at 6:49 am (14 years ago)

    masubukan din nga ang maglagay ng eucalyptus scented freshener. laging potpourri scented or vanilla ang naaamoy ko sa amin :)

    Linnors last blog post..Hangin

    Paborito naming mag-asawa ang eucalytus dahil feeling naman kami ay nasa spa.

    Reply
  15. RoseLLe (Reflexes)
    May 30, 2008 at 9:01 am (14 years ago)

    wow! itong sa iyo ay pampabango ng hangin at pampa-relax ng pakiramdam. magandang ediya. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

    RoseLLe (Reflexes)s last blog post..Blog Approved!

    Maraming salamat din Roselle sa iyong pagdalaw.

    Reply
  16. ces
    May 30, 2008 at 9:54 am (14 years ago)

    ayos itong lahok mo toni!anong tatak nyan? at gawa ba sa atin iyan? ang bango sigurado nyan, eucalyptus e..dko na klangan bumili ng dried!

    cess last blog post..LP#9: Wind [Ihip ng Hangin]

    Ay hindi ko maalala kung produkto ito ng Pilipinas. Ang tatak niya ay Vaporin.

    Reply
  17. Bahchi
    May 31, 2008 at 10:02 am (14 years ago)

    Ginagawa rin namin dito yan sa bahay. Aromatherapy ang gamit ko sa akin. Masarap sa pang-amoy lalo na sa gabi :)

    Salamat sa pagdalaw sa lahok ko.

    Kamusta Bahchi! Napakasarap ng pakiramdaman kapag ika’y nahahanginan ng malamig at mabangong hangin ano?

    Reply
  18. Pinky
    May 31, 2008 at 4:40 pm (14 years ago)

    Parang magandang ideya yung magsabit ng pampabango sa bintilador ha! At nung binanggit mo na Vicks na may eucalyptus, nakaramdam ako ng karagdagang lamig – hehehe :)

    Happy weekend, Toni!

    Pinkys last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin

    Mabuhay Pinky! Mabuti rin daw ang ganitong pagsabit ng eucalyptus patch sa aircon/bentilador para sa mga medyo nahihirapan huminga dahil sa sipon. Nakakaluluwag ng pakiramdam ang amoy ng eucalyptus di po ba?

    Reply
  19. MommyBa
    May 31, 2008 at 11:31 pm (14 years ago)

    mabuti na lang at nabasa ko itong entry mo. ngayon naalala ko na yung equivalent ng vicks na pwedeng isabit sa bentilador at aircon!

    maraming salamat! happy weekend po!

    MommyBas last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin (Wind))

    Walang anuman, at salamat din po sa pagdalaw!

    Reply
  20. Rachel
    June 3, 2008 at 11:53 pm (14 years ago)

    haha ang kulit mo ate toni, pero infairness ang galing ng idea mo. masubungan nga din magsabit ng freshener sa electric fan, wag lang nga sana sumabit sa elisi.

    Ingatan lang ang pagsabit! 😀

    Reply

Leave a reply to nina Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge