Kalayaan Ko: Hipon!

by

Kalayaan!

Hipon na niluto sa bawang at mantikilya… naku! Iniisip mo palang, parang nakakataas na ng presyon ‘no! Kaya naman bihira lang dapat ang pagkain nito. Mataas na kolesterol at sakit sa batok ang sasalubong sa iyo!

Ngunit pwede namang bumigay sa kapricho paminsan-minsan, lalo na kapag may selebrasyon. Sana lang hindi araw-araw ang mga pagdiriwang na ganito! Kahit panandalian lang ang iyong kalayaan, hindi ba’t napakasarap ng iyong pakiramdam?

Ito ang kalayaan sa pagkain ng hipong niluto sa bawang at mantikilya: Ang paggamit ng kamay sa pagtanggal ng balat. Ang pagsipsip sa laman. Ang pagkagat sa ulo. Ang pagpahid ng sarsa sa hipon. Ang matamis na lasa ng hipon, lalo na kung sariwa itong niluto. Ang pagdila sa mga daliring hinalikan ng hipon at sarsa.

Heto pa. Ang hindi pag-iisip sa kahit anong diyeta. Ang hindi pag-iisip sa kalungkutan na mararamdaman pagkatapos kumain. Ang hindi pag-iisip sa panghihinayang na darating.

Kalayaan din ‘yan diba, kahit panandalian lang? ๐Ÿ˜‰ Tandaan na dapat hinay-hinay lang at ‘wag abusuhin ang kalayaan na ito!

29 Comments on Kalayaan Ko: Hipon!

  1. Junnie
    June 12, 2008 at 6:43 pm (16 years ago)

    Wala akong kalayaang kumain niyan dahil mangangati ako…ngunit bakit ko pagbibigyan…kakain pa rin ako at iinom ng Celestamine…tunay na malaya ngunit mag pait na mararamdaman…hindi bat yan ang tunay na kalayaan? laging may kapalit?

    Allergic ka pala! Hindi ko alam yon. Hinay-hinay lang!

    Reply
  2. thess
    June 12, 2008 at 6:46 pm (16 years ago)

    Ang sarap naman ng kalayaan mo, Toni! Meron pa ba? (^0^)

    thesss last blog post..LP #11- Kalayaan

    Eto pa! *pinasa ang plato ng hipon sa iyo*

    Reply
  3. Dr Emer
    June 12, 2008 at 8:14 pm (16 years ago)

    A healthy diet means you have certain days when you can eat whatever you want…even those sinful items. I love this recipe of yours. I might try it one of these days.

    Matutuwa ka siguro na malaman na yung bawang naman ay nakakapag-pababa ng kolesterol. ๐Ÿ˜‰

    Yey! Salamat Doc!

    Reply
  4. Gracey
    June 12, 2008 at 8:49 pm (16 years ago)

    Ang sarap nga! Bumili ako kahapon ng hipon sa palengke.
    Bihira lang ako kung kumain nito kasi ang mahal!

    Subukan mo ang ganitong pagluto! Ay hindi ko ito niluto ha, order namin ito sa Dampa!

    Reply
  5. ces
    June 12, 2008 at 9:27 pm (16 years ago)

    ayos ito! kakaibang anggulo ng kalayaan! at masarap!

    Hindi ba’t parang may kalayaan kapag walang diyetang sinusundan? ๐Ÿ˜›

    Reply
  6. teys
    June 12, 2008 at 10:07 pm (16 years ago)

    ang saraaaap, gusto ko din nyan! medyo di ako malaya kasi di ako makapunta sa palengke para sa sariwa di ba- pangit naman kung sa supermarket bumili. :)

    sana nag-enjoy ka sa iyong hipon!

    happy lp!

    teyss last blog post..LP#11 – Kalayaan

    Super enjoy! ๐Ÿ˜€ Happy LP!

    Reply
  7. dang
    June 12, 2008 at 10:12 pm (16 years ago)

    ohlalala…kasarap ng pagkain na ito..kung talagang malaya lang kainin ito, mas masarap sana! everything i guess should be in moderation. thanks for sharing this pic..nice..makes me hungry!

    Everything in moderation, pero itodo pa rin ang kasiyahan! Er… kaya ‘yan!

    Reply
  8. Em Dy
    June 13, 2008 at 12:18 am (16 years ago)

    Ang arap nyan. Lalo na kung mainit ang kanin, may kasamang barbecue at kinakamay.

    Em Dys last blog post..Singapore Skyline

    Woohoo! Panalo!

    Reply
  9. odette
    June 13, 2008 at 1:44 am (16 years ago)

    saraaap!!! :)

    ginutom ako, midnight snack time na!!!!

    odettes last blog post..keepin’ busy

    O tara, kain muna!

    Reply
  10. pao
    June 13, 2008 at 2:41 am (16 years ago)

    oh wow, napakasarap naman niyan! grabe. ewan ko ba kung bakit naging allergic pa ako sa seafood eh paborito ko ang mga yan. :( kaya kapag kakain ako ng hipon, alimasag, o pusit, may dala akong gamot parati. :)

    Awww hinay-hinay lang!

    Reply
  11. lino
    June 13, 2008 at 7:13 am (16 years ago)

    wow! mukhang tsalap nyan ah… :)

    Tsalap talaga ๐Ÿ˜€

    Reply
  12. NONA
    June 13, 2008 at 10:49 am (16 years ago)

    Talagang kalayaan! Ginutom mo ako sa lahok mo Toni haha! Tama ka paminsan minsan ay bigyan natin ng kalayaan ang mga kapricho…nakakalaway ang larawan. hehe..

    NONAs last blog post..LP # 11-Kalayaan

    Maraming salamat sa pagbisita! ๐Ÿ˜€ Kain tayo!

    Reply
  13. julie
    June 13, 2008 at 11:04 am (16 years ago)

    Gusto ko ang kalayaan na yan :)

    Kahit paminsan-minsan lang diba! ๐Ÿ˜€

    Reply
  14. mousey
    June 13, 2008 at 12:07 pm (16 years ago)

    ito ang ibang klaseng kalayaan na dapat namnamin ng todo! dahil paminsan-minsan lang napagbibigyan ang kapricho.

    Korek! Dahil panandalian lang, itodo na ang pag-enjoy!

    Reply
  15. emoterang nurse
    June 13, 2008 at 2:49 pm (16 years ago)

    kumalam ang aking sikmura pag kakita sa mga hipon na ito…
    naalala ko tuloy na laging nagluluto ang ate kong ng ganito nung nag leave sya sa work…ngaun di na sya nagluluto dhil busy sya….
    sarap nito grabeh!!!kahit na puro kolesterol ayos lang masarap naman!!!

    emoterang nurses last blog post..LP # 11 Kalayaan

    Korek! Okay lang naman kung paminsan-minsan ang pagkain ng kaprichong ito.:D

    Reply
  16. iska
    June 13, 2008 at 3:42 pm (16 years ago)

    hahaha! kakatuwa naman ang kalayaan post mo :-) mabuti at ako ay may kalayaang kumain ng hipon hehehe wala namang masama kung once or 2x a month ang hipong ganyang kasarap!

    iskas last blog post..LP#11: Pato Mang May Layang Lumipadโ€ฆ

    Panandaliang kalayaan. ๐Ÿ˜› Masarap pa rin!

    Reply
  17. Meeya
    June 14, 2008 at 1:30 am (16 years ago)

    sino ba ang hindi may paborito sa ganitong luto ng hipon. :) kapag ito ang ulam namin, panigurado hayblad kami kinabukasan, hehe! sana talaga malaya tayong makakain ng mga ganitong putahe ano? kaya lang iba na talaga pag tumatanda, dami nang bawal. :) happy lp, toni! :)

    MyMemes: LP Kalayaan
    MyFinds: LP Kalayaan

    Maswerte talaga ang kabataan sa ganitong klaseng kalayaan! ๐Ÿ˜‰

    Reply
  18. Willa
    June 14, 2008 at 10:41 am (16 years ago)

    wow! my favorite,kakagutom….

    Willas last blog post..PH#8 – Emotions

    Let’s eat!

    Reply
  19. Iris
    June 14, 2008 at 2:14 pm (16 years ago)

    galing ng entry mo tony, ang sarap! :) at nakakatawa ang dami pala sating allergic sa seafood. ako rin kasi medyo allergic sa malansang seafood. pero minsan lang naman eh. may antihistamine naman. hehe! at sa tingin ko nga, hindi sasarap ang pagkain niyan kung hindi kakamayin…

    Iriss last blog post..Palayain mo ako [LP]

    Salamat Iris! ๐Ÿ˜€ O, hinay-hinay lang sa hipon!

    Reply
  20. Clicking Away
    June 14, 2008 at 9:20 pm (16 years ago)

    Ang sarap naman ng entry mo… seriously, natatakam na ako masyado. mahilig pa naman ako sa hipon. yum. ang sarap din kumain niyan kapag kinakamay (at nasa beach)… hehehe!

    happy lp!

    Clicking Aways last blog post..LP011 – Kalayaan

    “At nasa beach” – tama ka dyan!

    Reply
  21. alpha
    June 14, 2008 at 10:16 pm (16 years ago)

    ang sarap naman nyan. nakakagutom..

    alphas last blog post..London.

    Gusto mo? ๐Ÿ˜€

    Reply
  22. Marites
    June 15, 2008 at 2:45 am (16 years ago)

    nakakalaway na klaseng kalayaan. ngunit, tama ka:)

    Kainan na!

    Reply
  23. Weng
    June 16, 2008 at 10:28 am (16 years ago)

    paborito ko ang hipon! masaya na ako sa inasnan lang na hipon at pinasingaw na may honey o sa sprite/7-up. ๐Ÿ˜€

    Wengs last blog post..Fatherโ€™s Day

    Uy parang okay yang ideya na may honey ha!

    Reply
  24. JO
    June 18, 2008 at 8:09 am (16 years ago)

    paborito ko din yan!

    JOs last blog post..The next 5 days!

    Sarap no!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge