Isang pisong halo-halo

by

Parang kailan lang?
Kuha sa isang bahagi ng Max’s Restaurant sa Greenbelt.

Kapag nagkekwento ang aking lola tungkol sa kanyang kabataan, itim-at-puti ang palabas sa aking imahinasyon. Aliw na aliw ako kapag sinasabi niyang nakakabili na siya ng damit sa sampung centavo. Kahit sa ukay-ukay walang ganyan kamura diba!

Nang makita ko ang dekorasyong ito sa Max’s, natuwa ako ulit. Panandaliang naging itim-at-puti ang aking kapaligiran. Isang pisong halo-halo, isang pisong steak, kalahating-pisong lumpiang ubod. Sayang at hindi ko lang pala natanong sa mga kasamahan ng kainan kung anong taon nilabas ang menu na ito. Mahal na kaya ang isang pisong hal-halo nung mga panahong iyon? Hmmm.


Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang “Puti at Itim”.

25 Comments on Isang pisong halo-halo

  1. Em Dy
    September 25, 2008 at 12:11 am (16 years ago)

    Ganun din ang mga magulang ko, kabisado ang dating presyo ng Max’s. Institusyon na talaga sya.

    Em Dys last blog post..Pahinga

    Reply
  2. sheng
    September 25, 2008 at 8:51 am (16 years ago)

    I still remember when i was in grade 1, ang baon ko is 25C lamang, hahaha, may nabibili pa…

    shengs last blog post..The Dreamweaver

    Reply
  3. Dyes
    September 25, 2008 at 10:10 am (16 years ago)

    pisong punung-puno pa ng sangkap!

    happy LP

    Dyess last blog post..LP : Itim at Puti

    Reply
  4. julie
    September 25, 2008 at 11:01 am (16 years ago)

    Gusto ko ang ganyan, kaya lang malamang ilang baso ng halo-halo ang aking maoorder ๐Ÿ˜€

    julies last blog post..Bilog na Naman ang Buwan

    Reply
  5. iris
    September 25, 2008 at 11:30 am (16 years ago)

    pisong steak! pwede ba bumalik in time? hehe. may kilala akong sobrang matutuwa sa pisong steak ๐Ÿ˜€

    iriss last blog post..Black on White [lp]

    Reply
  6. Miss B
    September 25, 2008 at 11:48 am (16 years ago)

    wow! nakakaiyak naman maka basa ng purong tagalog :) and.. the prices are worth crying for.. wow talaga ang mura noon hehehehe

    Reply
  7. Jay
    September 25, 2008 at 12:10 pm (16 years ago)

    yup. lahat ng max’s resto naka design yung old menu nila sa ding ding, kaya nga pag bayaran na, we joke on the waiter while pointning sa wall “akala ko ba piso lang to, bakit 1000pesos bill namin!?”

    happy LP day :)

    eto AKIN

    Reply
  8. witsandnuts
    September 25, 2008 at 12:25 pm (16 years ago)

    Though I can’t view the pic, I can totally relate to this one. My grannies/ our family & friends have a lot of good memories in Max’s. =)

    witsandnutss last blog post..Iโ€™d love to know you more

    Reply
  9. Dr Emer
    September 25, 2008 at 1:26 pm (16 years ago)

    Especial halo-halo na siguro yun, Toni. Those were the days. It would be great to live in the simplicity of the past. :)

    Dr Emers last blog post..Maze

    Reply
  10. Elaine
    September 25, 2008 at 1:27 pm (16 years ago)

    piso para sa halo-halo? marami na kayang sangkap iyon? masarap kaya? marahil…ngayon ang presyo ng halo-halo ay nasa bente na kung ikaw ay bibili sa iyong kapitbahay. Pero kung ikaw naman ay papadpad sa “mall” mas mataas ang presyo. Hmm..natatakam tuloy ako sa halo-halo..

    Elaines last blog post..Puti at Itim

    Reply
  11. caryn
    September 25, 2008 at 3:24 pm (16 years ago)

    wow, pisong halo-halo. hehehe. ako natatandaan ko pa, there was a shop near our house that sold it for 5 php! wala nang ganun ngayon no? ๐Ÿ˜‰

    caryns last blog post..contest!

    Reply
  12. thess
    September 25, 2008 at 4:19 pm (16 years ago)

    Naku Toni, 4x akong kumain sa Max nuong bakasyon ko last month at lagi kong pinagmamasdan sa pader ng restaurant ang old ads nilang yan..totoo kang B&W sila at mapapangiti ka sa kamurahan ng pagkain nuong araw.

    thesss last blog post..Puti at Itim (LP)

    Reply
  13. Mayet
    September 25, 2008 at 6:03 pm (16 years ago)

    yan din ang favorite resto ng Itay ko!!

    Mayets last blog post..Puti at itim

    Reply
  14. Mitch
    September 25, 2008 at 6:35 pm (16 years ago)

    Ganyan din ang kwento ng parents ko, baon daw nila dati diyes lang hehe!

    Typewriter pa ang gamit sa menu na yan.

    Reply
  15. carol bustos-santiago
    September 25, 2008 at 9:40 pm (16 years ago)

    grabe, parents ko din! kaya tuwing umuuwi dito sa pinas, lagi kaming kumakain sa max’s!

    Reply
  16. haze
    September 26, 2008 at 1:12 pm (16 years ago)

    wow! piso lang ang halohalo noon??? asa pa a mararanasan natin yan sa panahon ngayon. :)

    naaliw ako at may kopya ka pa ng mga ala-ala noon. :)

    happy LP!

    hazes last blog post..mommy’s got a new toy

    Reply
  17. ces
    September 27, 2008 at 2:33 am (16 years ago)

    sarap siguro kung ganyan pa rin ang presyo ng bilihin ano? MAX’S! i miss you!!!

    Reply
  18. mEldita
    September 27, 2008 at 7:39 am (16 years ago)

    grabe! ako din amazed pag nagkukwento ang mom ko about stuff nung kapanahunan nila. madami ng nararating ang 0.25 centavos nuon. kung ganito pa rin sana kamura mga bilihin ngayon no, though I bet mahal na ito nuon :)

    mElditas last blog post..sโ€™mores day

    Reply
  19. pao
    September 28, 2008 at 11:17 pm (16 years ago)

    ay oo, napansin ko din yan sa Max’s greenbelt. ang tagal ko ngang tinititigan eh. nakakatuwa, ang mura-mura pa ng mga bagay noon. :)

    Reply
  20. G_mirage
    September 29, 2008 at 9:28 pm (16 years ago)

    wow, ok yan ah, ngayon ano na bang nabibili sa piso? Naalala ko din yung cookbook ni mama, kasi ung presyo ng kangkong dun .50cents, nun ako bumibili (6 years ago ) 9pesos na! Magkano na kaya ngayon! Great find sis…

    G_mirages last blog post..The Lion Sleeps Tonight – Little Boy’s version

    Reply
  21. P90X Review
    April 20, 2011 at 3:26 pm (13 years ago)

    Google translate is helpful for me to understand this topic. :) I checked it out because my mom is from the Philippines, and she made me taste halu halu and it was awesome! And i was amused that haluhalu cost only P1 during your grannies days! :)

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge