Sa gitna ng asul

by

An angel will appear

Dapit-hapon na. Ngunit asul na asul pa rin ang langit at ayaw magpatalo ng araw.

Parang may gusto pang ihirit si Liwanag. Parang gusto pang maghatid ng regalo. Pakiramdam ko nga’y may lalabas na anghel sa gitna ng kanyang mga sinag.

Ano sa tingin niyo? May anghel kaya na parating?

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy. Ang tema ngayong linggo ay “Asul”. Kayo ba’y may lahok din? Sali na!

30 Comments on Sa gitna ng asul

  1. Mauie
    January 15, 2009 at 2:28 pm (15 years ago)

    Laging may anghel na dumarating kung tayo’y naniniwala.

    Mauies last blog post..Litratong Pinoy: Asul

    Reply
  2. arls
    January 15, 2009 at 2:36 pm (15 years ago)

    salamat sa pagdalaw! :) ang ganda ng kuha mo. i especially like the lamp post :)

    Reply
  3. iska
    January 15, 2009 at 2:45 pm (15 years ago)

    ang naiisip ko ay background music na may kumakantang “hallelujah hallelujah hallelujah!”

    iskas last blog post..LP41: Asul

    Reply
  4. Thess
    January 15, 2009 at 4:48 pm (15 years ago)

    sana ay ganyan lagi dito…miss ko na ang araw na nakikipag agawan sa asul na kalangitan.

    happy lp :)

    Reply
  5. pining
    January 15, 2009 at 5:43 pm (15 years ago)

    ang galing nang lighting ha :-)
    sasabayan ko na rin si Iska ng pagkanta ng hallelujah…hallelujah, hallelujah…

    pinings last blog post..Asul

    Reply
  6. cheh
    January 15, 2009 at 5:45 pm (15 years ago)

    hi toni, salamat sa dalaw! ang ganda ng kuha at tayming mo sa pagkuha ng litrato! may kahulugan ang lahat:)

    Magandang araw!

    chehs last blog post..The best job in the world?

    Reply
  7. raqgold
    January 15, 2009 at 6:12 pm (15 years ago)

    ang lakas ng dating! eto ang mga anghel at nangungulit na sa tabi ko 😀

    raqgolds last blog post..A relic from the past?

    Reply
  8. Linnor
    January 15, 2009 at 7:28 pm (15 years ago)

    baka lumabas dyan ang anghel ng dapit-hapon dala ng pangakong sa pagtatapos ng araw, merong mga mahal sa buhay ang naghihintay ng iyong pagdating. 😀

    Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Asul (Blue)

    Reply
  9. Kay
    January 15, 2009 at 7:35 pm (15 years ago)

    Sana dumating sya at ibalot nya ako sa kanyang pakpak
    Sana protektahan nya ako sa mga masasamang layunin
    Sana lumapag sya at parusahan ang nararapat …
    Sana …

    Kays last blog post..I wish I was a kid again ….

    Reply
  10. alpha
    January 15, 2009 at 9:11 pm (15 years ago)

    ang ganda nito, toni.

    di ko alam kung naglakad sa floor si estong after gawin yung project. sa school kasi nila ginawa yun. 😉

    alphas last blog post..LP: Asul.

    Reply
  11. peachkins
    January 15, 2009 at 9:13 pm (15 years ago)

    Nariyan lang ang mga anghel sa paligid.

    Salamat sa pagbisita.

    peachkinss last blog post..Vicks

    Reply
  12. Gmirage
    January 15, 2009 at 9:40 pm (15 years ago)

    Huwaaw! At ang galing yung lampara ang kitang kita!

    Reply
  13. Jules
    January 15, 2009 at 10:21 pm (15 years ago)

    swak na swak ang liwanag! feeling ko may mga angels na parating :-)

    happy lp!

    Reply
  14. FM
    January 16, 2009 at 1:59 am (15 years ago)

    para ngang may lalabas na anghel,ang gandang blue nman nyan!

    FMs last blog post..SWF#10:Old Hotel

    Reply
  15. Pinky
    January 16, 2009 at 2:31 am (15 years ago)

    Tingin ko may lalabas ngang anghel… such a majestic shot! :)

    Gusto ko rin ang mensahe ng liwanag na tila nagpipilit pigilan ang dilim dahil sa palagay ko ay ganito talaga ang nangyayari sa buhay – na kahit gaano man kadilim, lagi pa ring magpipilit lumitaw (at mananaig) ang liwanag.

    Happy LP, Toni! And all the best for 2009!

    Pinkys last blog post..LP #41: Asul

    Reply
  16. julie
    January 16, 2009 at 10:50 am (15 years ago)

    Oo, tama ka, anghel na lang ang kulang sa picture na yan :)

    Kaya lang baka magmukhang “judgment day” 😀

    julies last blog post..Piko o Hopscotch

    Reply
  17. Junnie
    January 16, 2009 at 1:55 pm (15 years ago)

    kailangan namin niyan dito sa -30 degrees na panahon…si Haring araw ang magiging anghel namin sa gitna ng tag yelo….

    Reply
  18. Shuttercow
    January 17, 2009 at 11:47 am (15 years ago)

    Overtime na ang araw na yan kung ganun hehe… Ganda ng pagka-asul!

    Shuttercows last blog post..Carlos’ Fountain

    Reply
  19. Clicking Away
    January 17, 2009 at 9:01 pm (15 years ago)

    Hi Toni. Ang ganda ng effect ng litrato mo… parang luma… nostalgic yung effect. I like the details on the lamp post… parang panahon ni Rizal. Sandali, sorry hindi ko ma recognize itong lugar na ito. Saan ba to?

    Clicking Aways last blog post..LP034 – Asul

    Reply
  20. Munchkin Mommy
    January 21, 2009 at 10:33 am (15 years ago)

    parang nakakatakot naman yata kung may biglang nag-appear na anghel, toni! hee hee! :) ayaw ko! 😀

    Munchkin Mommys last blog post..Somewhere Over the Rainbow

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge