Luma’t di matapon-tapon

by

Not for sale!

Nung nag-garage sale ang aking pamilya, maraming abubot ang nahagilap sa bodega. Ilan na rito ang mga laruan naming magkakapatid nung bata pa kami. Napakaraming stuffed toys! Marami rin kaming nabenta at napasayang mga bata sa aming tinda. Pero syempre, bago pa man namin nilabas ang mga laruang ibebenta, may mga laruan kaming itinago muli.

Ang mga stuffed toy sa larawan ay ang mga hindi namin mapamigay. May kahulugan kasi ang mga stuffed toy na ito sa buhay namin. Halimbawa, si Good Luck Bear. Regalo sa akin ng aking inay pagkatapos niyang magtrabaho sandali sa Amerika. Siguro mga walong taong gulang ako nito. Yun ibang laruan naman sa larawan ay sa mga kapatid ko, at bawat isa’y may kanya-kanyang kahulugan din. At kilala niyo ba yung kayumangging laruan sa gitna? Si Alf yan! Kilala niyo ba siya?

Habang tumatanda, mas nagiging makalimutin tayo. Kaya naman kahit may mga bagay na luma na, hindi natin sila matapon-tapon. Ito kasi ang mga bagay na kapag ating tinitingnan, hinahawakan, inaakap — naaalala natin ang masasayang araw ng ating nakaraan.


Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy, na may temang “Luma na”.

29 Comments on Luma’t di matapon-tapon

  1. ceztlavie
    October 9, 2008 at 10:12 am (16 years ago)

    hehehe… marami rin akong lumang stuffed toys at pillows. ayun, napamana ko na sa chikiting ko :) salamat pala sa bisita 😀

    ceztlavies last blog post..LP: Luma Na

    Yan din balak naming magkakapatid. Kapag kami’y nagkaanak, ipapamana namin ang mga laruan namin!

    Reply
  2. caryn
    October 9, 2008 at 10:22 am (16 years ago)

    i kept my barbies for the same reason; grabe, andaming memories na nakakabit sa kanila! btw, in tokyo i’ve noticed a lot of carebears paraphernalia lately. i was explaining to a younger friend what they were and i think because i was over-excited to see them i ended up sounding over-enthusiastic 😉

    caryns last blog post..Cooking tips for the un-domestic diva

    They made a comeback!! 😀 And my ever favorite is Good Luck Bear! :)

    Reply
  3. ShutterHappyJenn
    October 9, 2008 at 10:49 am (16 years ago)

    Wow… tagal ko ng di napunta sa blog mo, toni. I remember noong wala pa akong blog, everyday kong binibisita blog mo, natuwa kasi ako noon sa post mo about mugs. more than 2 years na rin ata yun.

    Anyway, iba na pa ang URL mo… Ang ganda ng stuffed toys, pero natatakot ako dun sa manika (may phobia ako sa mga manika). Si Jiminy Cricket, favorite ng kuya ko yan noong bata pa siya. Ewan ko lang kung tanda pa niya.

    Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!

    *** ShutterHappyJenn ***

    ShutterHappyJenns last blog post..Luma Na (Old Already)

    Ay oo! Matagal-tagal na ngang entry ‘yon. Napamigay ko na ang ilang mugs ko! 😛 Salamat sa pagdaan!

    Reply
  4. ces
    October 9, 2008 at 11:26 am (16 years ago)

    yan na yata ang pinakamahirap sa pag-g-garage sale:) it’s hard to let go, ika nga:) pero if may continetal value[mwahaha!] mas lalong mahirap:)

    😀 may mga nabenta nga kaming may senti value pero di ko natabi eh… at least may iba kaming napasaya!

    Reply
  5. Yen
    October 9, 2008 at 11:51 am (16 years ago)

    Naku kami din ang daming lumang stuffed toys pero di ko ma tapon tapon..Nice entry:) Mine is posted HERE. Happy LP!~

    Yens last blog post..Litratong Pinoy: Luma

    Salamat sa pagbisita!

    Reply
  6. jeanny
    October 9, 2008 at 11:55 am (16 years ago)

    ako rin ganyan…may mga bagay na hindi ko sadyang maipamigay kahit super luma na kasi me sentimental value….kaya hayun ang sikip na sa bahay, hehehe

    Happy LP :)

    jeannys last blog post..Just peeking

    Haha true. Pampadagdag sa kaguluhan sa bahay.

    Reply
  7. pinayhekmi
    October 9, 2008 at 12:56 pm (16 years ago)

    I have minnie mouse, blue bear, toby, and other stuffed animals/plush toys I can’t throw away either!

    Give them to Mina! :)

    Reply
  8. JoyD
    October 9, 2008 at 12:58 pm (16 years ago)

    Napagandang Memories yan oara sa iyo,, itabi mo nga …
    gandang araw sa iyo

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy (Luma na/ Old)

    Magandang araw din sa ‘yo! :)

    Reply
  9. Eloise
    October 9, 2008 at 1:44 pm (16 years ago)

    hahaha si alf naa-alala ko sha. alien sha eh…may tshirt ako dati na si alf ang print.

    ako itinabi ko mga luma kong libro noong bata ako lalo na yung mga archie comics

    happy lp

    Eloises last blog post..LP: LUMA NA

    Archie! Nahiligan din namin yan!!!

    Reply
  10. Clicking Away
    October 9, 2008 at 1:50 pm (16 years ago)

    Naku, ako naman I make sure to give away our old stuff to people who can use it kasi, since wala kaming space sa bahay, feeling ko dadami lang siya ng dadami. I must agree though na mahirap talaga to give away some things because of its sentimental value. Naaalala ko pa si Alf!

    PS: I like your new red glasses… bagay sa iyo.

    Uy thanks! 😀

    Reply
  11. Jay
    October 9, 2008 at 2:24 pm (16 years ago)

    uy!!!!!!! gusto ko yung carebears…magkano?…….ay, hindi binebenta :( akin nalang ;))

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP#28: Luma na! (it’s old)

    Hahaha funny ka Jay ha.

    Reply
  12. Jen
    October 9, 2008 at 3:04 pm (16 years ago)

    uy kilala ko si Alf! gusto ko nga yung show niya eh parati kong inaabangan dati. ang cute naman ng mga laruan mo nung bata ka pa. mukhang naingatan siya.

    Jens last blog post..A couple of things that are old

    Naaalala ko pa nga yun theme song eh. 😛

    Reply
  13. Pinky
    October 9, 2008 at 5:26 pm (16 years ago)

    You’re right, Toni… More than the toys themselves, it’s actually the memories they bring that we hold on to more. 😉

    Oo, naalala ko pa si ALF! :) At si Good Luck bear? Uso na naman siya ngayon… My daughter has Funshine and Good Night bears too. Thanks for the trip down memory lane with this post! :)

    Na-revive sila diba! 😀 Natuwa nga ako kasi they still look like the original Care Bears. Unlike Strawberry Shortcake, iba na itsura niya ngayon :(

    Reply
  14. witsandnuts
    October 9, 2008 at 9:00 pm (16 years ago)

    Made me homesick. I miss my old toys & my playmates, too.

    When you come home soon, you can play with them — the toys and playmates! 😛

    Reply
  15. Lynn
    October 9, 2008 at 9:26 pm (16 years ago)

    Yup! Kilala ko si ALF – Alien Life Form. Paborito kong tv show yan noon. :)

    Lynns last blog post..Luma Na (Something Old)

    Ang galing!!! You remember what ALF stands for!!! 😀

    Reply
  16. Em Dy
    October 9, 2008 at 10:23 pm (16 years ago)

    Ilang linggo na rin akong nagdedeclutter. Marami nang naipamigay pero marami ding tinatago ulit dahil sa kahulugan nito.

    At paborito ko rin dati si Alf.

    Si Alf na mahilig sa pusa 😛

    Reply
  17. pining
    October 9, 2008 at 10:25 pm (16 years ago)

    ang cu cute naman ng toys mo :-)
    totoo yan, mahirap talaga mawalay sa mga laruan na ating mga anak; para bang pag tinapon/ ipamigay/ipagbili ang mga ito, parang bahagi nang ating anak ay mawawala din…

    pinings last blog post..Luma

    Yun nga! Tama. Parang bahagi mo ang maitatapon kapag ipinamigay ang mga laruang may sentimental value pa.

    Reply
  18. Weng
    October 10, 2008 at 2:04 am (16 years ago)

    siyempre kilala ko si alf! hirap na hirap din akong mawalay sa mga bagay na luma. parang lahat may sentimental value! hahaha! :)

    Yun nga eh! Kahit wala namang halaga financially, sa mga ala-ala eh nakapahalaga naman!

    Reply
  19. G_mirage
    October 10, 2008 at 3:35 am (16 years ago)

    Kilala ko pa si alf! 😀 Totoo yan kahit mga lumang laruan hindi ko din matapon, kahit ngayon sa aking mga anak…Happy LP!

    Maligayang LP din! Salamat sa pagdaan.

    Reply
  20. tin
    October 10, 2008 at 6:05 am (16 years ago)

    regret ko naman na ipinamigay ko ang mga manika ko. sana kahit isa lang naitago ko and naipamana kay A. nice entry, toni! :)

    tins last blog post..Somewhere Over the Rainbow

    Thanks Tin! Okay ipamana sa mga bata diba? Think of all the stories being passed on from one generation to another too.

    Reply
  21. JO
    October 10, 2008 at 10:30 am (16 years ago)

    may mga stuff toys din akong napamana sa anak ko. hirap talagang itapon ang mga bagay na naging bahagi ng ating paglaki.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Luma na

    Tama ka dyan 😀

    Reply
  22. karmi
    October 10, 2008 at 12:14 pm (16 years ago)

    hanggang ngayon may mga stuff toys pa rin akong katabi sa pagtulog.. :) hehehe.. sabi nga ng nanay ko, di daw ba ako nasisikipan eh halos kalahati na ng kama ko eh stuff toys ang nakalagay…

    karmis last blog post..girbaud.

    Ang cute! Ako rin may dalawang stuffed toy, mga unan at syempre ang biggest stuffed toy ko: asawa ko 😛

    Reply
  23. julie
    October 10, 2008 at 2:30 pm (16 years ago)

    Happy memories…kung minsan mahirap maglet go ng mga gamit kaya lang kung kinakailangan, gagawin natin…

    julies last blog post..Baclayon Church

    Kaso parang nilelet go mo rin ang mga ala-ala kasi ‘no?

    Reply
  24. Lizzieness
    October 10, 2008 at 6:34 pm (16 years ago)

    muka pa silang bago ah…

    Lizzienesss last blog post..Morning rush

    Maganda ang pagkaalaga :)

    Reply
  25. iris
    October 12, 2008 at 6:33 pm (16 years ago)

    hindi ko rin maimagine na ipamigay ang iba kong laruan, lalo ngayon may pagmamanahan na :) kilala ko si alf! hehe.

    iriss last blog post..The Flickr Mosaic tag

    Haha! Ayan buti may mga nakakakilala pa rin sa kanya :)

    Reply
  26. Rach (Heart of Rachel)
    October 12, 2008 at 8:03 pm (16 years ago)

    Those are lovely toys. I gave away many dolls and stuffed toys to younger cousins but like you I kept a handful that have special meaning to me.

    😀 I wonder how long I’ll hold on to them!

    Reply
  27. Tani
    October 17, 2008 at 1:10 am (16 years ago)

    Di ko tatapon si Goodluck Bear.

    Tanis last blog post..Lechon Baka

    :) Hindi pwede diba!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge