Ang kinagisnang mga ngiti sa may gate

by

Family at the gate

Ang aking lolo, lola at pinsan: Sumasalubong para sa aming araw ng pasyal

Kinagisnan ko na ang lolo ko ang nagbubukas ng gate kapag bumibisita ako sa kanila. Sa mga pagkakataon na mamamasyal kami, ganito ang eksena. Magdo-doorbell ako, dadating ang lolo ko para buksan ang gate, at susundan sya ng aking lola. Laging malalaki ang ngiti nila kapag nakikita kami ng aking pamilya na bumibisita.

2003 nung kinuha ko ang litratong ito. Isang araw ito ng Setyembre, at sa may Manila Bay kami namasyal. Naglakad kami sa may Intramuros, pumasok ng WOW Philippines convention center, naglakad sa Baywalk nang pababa na ang araw, at naghapunan sa Aristocrat.

Napakasayang araw. Ngiti palang nung binuksan ang gate eh, napakaganda na diba? Excited nang mamasyal! :)

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy ngayon na may temang “Kinagisnan.”

22 Comments on Ang kinagisnang mga ngiti sa may gate

  1. julie
    November 13, 2008 at 5:03 pm (16 years ago)

    Masaya talaga kapag kasama ang mga lolo at lola :) Spoiled kasi ang mga apo, hehehe…

    julies last blog post..Kinagisnan

    Oo nga! 😛

    Reply
  2. Sreisaat
    November 13, 2008 at 5:57 pm (16 years ago)

    Hello, Toni. Ako rin mas gusto kong mamasyal na kasama ang mga lolo at lola kesa sa Papa at Mama ko. Palagi kasi nila akong nabibilhan ng kung ano’ng gusto ko :)
    Salamat sa pag-silip mo sa lahok ko, akshuli perstaym ko dito sa bahay mo!

    Sreisaats last blog post..Litratong Pinoy #16: Kinagisnan

    Welcome! :)

    Reply
  3. Cookie
    November 13, 2008 at 8:05 pm (16 years ago)

    namiss ko tuloy tatay ko kasi ganyan sya sa mga anak ko…kahit busy sya talagang sumasalubong sya sa mga anak ko tuwing dadating kami :)

    Cookies last blog post..Speed Limits

    Ganun din ang lolo ko. Kahit gaano ka-busy, siya ang magbubukas ng gate!

    Reply
  4. pining
    November 13, 2008 at 8:51 pm (16 years ago)

    There’s nothing more pleasurable than a welcoming smile, parang ang sweet at ang babait ng lolo at lola mo :-)
    I added you to my blogroll, hope you don’t mind :-)
    Happy weekend!

    pinings last blog post..Kinagisnan

    Sure, add up. Thanks!

    Reply
  5. tanchi
    November 13, 2008 at 8:58 pm (16 years ago)

    napakagandang alaala ito:)
    maligayang LP sayo:)

    monkeymonitor.blogspot.com

    maraming salamat!

    Reply
  6. pao
    November 13, 2008 at 10:22 pm (16 years ago)

    sounds like you have lots of fun with them. :) very nice photo, btw. napaka-warm. happy LP.

    paos last blog post..On companionship

    Thanks Pao. :)

    Reply
  7. ibyang
    November 14, 2008 at 5:25 am (16 years ago)

    awww memories with lolo and lola :)
    na-miss ko tuloy ang lolo ko na sya ding sumasalubong sa akin tuwing uuwi ako mula sa paaralan noon. :)

    ibyangs last blog post..A Different Kind Of Appreciation

    Nakakaaliw diba :) Ang gaganda pa ng mga ngiti!

    Reply
  8. Joy
    November 14, 2008 at 5:29 am (16 years ago)

    Ang sarap nga naman pag ganyang mga ngiti ang babati sa iyo. Mukhang ang babait ng lolo’t lola mo!!

    Salamat sa pagdalaw sa LP ko!

    Super bait!

    Reply
  9. G_mirage
    November 14, 2008 at 6:08 am (16 years ago)

    Ang mapagmahal na ngiti…wow! Ang ganda ng alala…Happy LP Toni, kahit late =D

    G_mirages last blog post..Ruby Tuesday – Sleepyhead

    Happy LP din sa ‘yo! :)

    Reply
  10. sheng
    November 14, 2008 at 8:48 am (16 years ago)

    Nice smiles, who wouldn’t want to get inside the gate if they are smiling like that?

    shengs last blog post..Love transcends all differences…

    Napakainviting diba!

    Reply
  11. aLine
    November 14, 2008 at 9:50 am (16 years ago)

    Waaaahhh namiss ko bigla lolo ko :(

    aLines last blog post..on dry eyes…

    Ako rin :)

    Reply
  12. Sidney
    November 14, 2008 at 11:30 am (16 years ago)

    Lovely picture… sweet !

    Sidneys last blog post..

    thanks Sidney! :)

    Reply
  13. nina
    November 15, 2008 at 3:39 am (16 years ago)

    I miss my grand parents. Right now, yong paternal lolo ko na lang ang buhay :)

    ninas last blog post..LP – Kinagisnan

    Ako naman ang maternal lola ko nalang. Yun lolo ko na nasa litrato, sumakabilang buhay na.

    Reply
  14. RoseLLe
    November 15, 2008 at 8:52 am (16 years ago)

    sarap kasama talaga ang ating mga lolo’t lola…masaya lagi ang mga apo.

    sana po’y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

    RoseLLes last blog post..Elegance

    Ako’y dadalaw. :) Maligayang LP!

    Reply
  15. dyes
    November 17, 2008 at 4:58 pm (16 years ago)

    wow! mukha ngang tuwang-tuwa sila pag nakikita ka :)

    haaay, na-miss ko tuloy ang aking mga lolo at lola :(

    (hugs) :)

    Reply
  16. ces
    November 17, 2008 at 10:45 pm (16 years ago)

    ay! aristocrat at ang mga lolo and lola! swak na swak! hehe!

    Haha! Naalala ko pa order ng lolo ko. San Miguel Pale Pilsen at tuna sashimi :)

    Reply
  17. raqgold
    November 24, 2008 at 4:50 pm (15 years ago)

    masarap talaga ang may lolo at lola — mas spoiled, hehehe. parehong pareho tayo ng lakwatsahan dati — may kasama pa ngang minsan na swimming sa manila bay, nung panahong hindi pa sya reclamation site, ang tagal na nun pero masarap syang balik balikan!

    Salamat sa mga ala-ala diba!

    Reply
  18. Munchkin Mommy
    November 26, 2008 at 2:59 pm (15 years ago)

    lahat yata talaga ng mga lolo’t lola ay gayon na lamang ang mga ngiti kapag dinadalaw ng kanilang mga apo. lumaki akong kasama sa bahay ang aking lolo at lola sa ina. :)

    Munchkin Mommys last blog post..My Two Cents on Twilight

    Ang sasaya nila kasama ‘no? Lalo na’t pag nagkekwento sila tungkol sa kanilang kabataan.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge