Ayokong matapos pa!

by

Orange City

Kapag ganito kaganda ang langit, ayoko matapos ang araw.
Kapag ganito kakulay ang dapithapon, ayoko pa magsimula ang gabi.

Gusto ko lang itabi ang sasakyan, umupo sa gilid ng daan,
at ang mga kulay dilaw, kahel, lila ay pagmasdan, pagmasdan, pagmasdan.

Ayokong matapos pa!, aking iisipin.
Napakarami pang maaaring gawin habang may araw pa!

Ngunit ang gabi’y dahan-dahang sasalubungin ka, at
Unti-unting lalabas ang mga bituin.

Uupo nanaman ako sa gilid ng daan,
at ang mga kulay dilaw at puti ng mga tala ay pagmamasdan, pagmamasdan.

Ayokong matapos pa!, aking iisipin.
Ngunit ang loob ko’y unti-unting mahuhulog sa paglabas ng buwan.

Kapag ganito kaganda ang langit, ayokong matapos pa,
ang araw, ang gabi, ang pagtingala sa
kagandahan, karikitan ng kalangitan.


Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang: “Ayaw Ko!”

23 Comments on Ayokong matapos pa!

  1. Rach (Heart of Rachel)
    August 28, 2008 at 11:50 pm (16 years ago)

    Masarap pagmasdan at mag-isip pag ganyan kagandang ang kalangitan.

    Rach (Heart of Rachel)s last blog post..Yohanism #24

    Totoo, totoo. Masarap magmuni-muni kung ganito kapayapa ang langit.

    Reply
  2. ibyang
    August 29, 2008 at 7:22 am (16 years ago)

    ang ganda ng tula mo, very heartfelt.

    pag ganyan din ang nakikita ko tuwing umuuwi ako, parang gusto kong itigil ang oras at pagmasdan lang muna ang kalangitan.

    ibyangs last blog post..Litratong Pinoy: Ayaw Ko! (Reject)

    Salamat Ibyang! Itinabi talaga namin ni H ang sasakyan para makunan ko ng litrato ang kalangitan. Ang sarap kasi pagmasdan.

    Reply
  3. witsandnuts
    August 29, 2008 at 12:08 pm (16 years ago)

    Ang ganda nang tula. May mga tanawin na pag nakita natin, gusto nating tumigil muna sandali ang oras. =)

    witsandnutss last blog post..The face behind the japanese hair

    Salamat, salamat!

    Reply
  4. Dr Emer
    August 29, 2008 at 12:11 pm (16 years ago)

    matatapos!
    matatapos!
    matatapos at matatapos din
    mga kagila-gilalas na tanawin
    kailangan, kaibigan

    dalisay na layunin ng kalangitan
    na gulatin ka
    na pasayahin ka
    na mithiin mo lagi na huwag matapos
    ang walang hanggang kagandahan niya

    Happy LP!

    Dr Emers last blog post..Ayaw Na Ni Lola

    Tito Rolly is that you? πŸ˜›

    Salamat sa pagsagot sa aking tula, Dr. E!

    Reply
  5. Jeanny
    August 29, 2008 at 12:42 pm (16 years ago)

    ganda naman bb. Toni.

    Tunay nga, na kaakit-akit pagmasdan
    kung ganito kaganda ang iyong tatanawin.
    Hirap at pagod ay mawawaglit,
    mapapalitan ng tunay na ngiti

    maligayang araw sa iyo. :)

    Jeannys last blog post..Let’s go nuts

    Kamusta bb. Jeanny! At salamat sa napakaganda mong tula :)

    Reply
  6. fortuitous faery
    August 29, 2008 at 12:53 pm (16 years ago)

    ang galing talaga dahil araw-araw ay iba ang masterpiece na matutunghayan mo sa kalangitan tuwing dapithapon.

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#19:ayoko!

    Tama ka, araw-araw, mayroon tayong iba’t ibang masterpiece na pagmamasdan! Wag lang natin kalimutan ito sa dami ng ating ginagawa.

    Reply
  7. sheng
    August 29, 2008 at 4:37 pm (16 years ago)

    Gandang gabi hapon naman niyan. Nice pic Toni! I bought Twilight yesterday, I can’t close the book until i”m done!

    shengs last blog post..Kadayawan Festival

    Aha! Another Twilighter. πŸ˜‰

    Reply
  8. Cookie
    August 29, 2008 at 6:50 pm (16 years ago)

    napakagandang tula!! maganda ngang pagmasdan ang pagdating ng takip silim lalo na kung ganyan ang tanawin.

    happy lp!

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Ayaw Ko!

    Gusto ko ring masubukan pagmasdan ang pagbungad ng araw kaso… ayoko pang gumising eh. Hehe.

    Reply
  9. carol bustos-santiago
    August 29, 2008 at 9:58 pm (16 years ago)

    ang ganda nga. pag ganyan ang itsura ng langit, gusto ko lang ilabas ang aking notepad at magsulat.

    carol bustos-santiagos last blog post..meme

    Napakagandang gawain. Sige, ika’y magsulat, at ako’y titingala nang titingala sa langit! At kukuha ng litrato.

    Reply
  10. Gracie
    August 30, 2008 at 1:21 am (16 years ago)

    Ang ganda naman…ng tula at ng larawan!

    Happy Weekend!

    Maraming salamat Gracie!

    Reply
  11. Junnie
    August 30, 2008 at 5:13 am (16 years ago)

    nakahusay ng pagkakasulat
    tunay na inspirado
    sana’y lahat mamulat
    na ang ganda ay nasa lang paligid natin
    kailangan lang magmatyag sa mundo

    amen!

    Reply
  12. lino
    August 30, 2008 at 8:07 am (16 years ago)

    ganda ng sky no? nice…. :)

    linos last blog post..kadayawan 2008…

    yup, ganda! we really had to pull over and enjoy the sky first!

    Reply
  13. Mayet
    August 30, 2008 at 9:47 pm (16 years ago)

    ganda ng kulay! at wow din sa sinulat mo!!
    happy wkend!

    Mayets last blog post..Light in the sky

    Maraming salamat Mayet!

    Reply
  14. dyanie
    August 30, 2008 at 11:26 pm (16 years ago)

    aaawww.. ang ganda naman ng tula at syempre ang larawan..

    sarap talaga damahin ang mga hindi nabibili ng pera katulad ng kapaligiran :)

    dyanies last blog post..Happy Birthday Mama!

    Maraming salamat dyanie! :)

    Reply
  15. Reflexes
    September 1, 2008 at 7:44 am (16 years ago)

    ang galing talaga ng lumikaha na mundo natin ano!? kay ganda talaga!

    Reflexess last blog post..Name that Flower

    Bow tayo kayo Lord!

    Reply
  16. odette
    September 2, 2008 at 6:38 am (16 years ago)

    ang husay ng iyong tula, toni!!!
    ang galing din ng kuha, paborito kong tanawin ang paglubog ng araw! :)

    odettes last blog post..cuatro tag

    Maraming salamat Odette! :)

    Reply
  17. ces
    September 2, 2008 at 10:32 am (16 years ago)

    maganda, pero hindi ko alam..nalulungkot talaga ako kapag takip silim na…

    cess last blog post..Weekend Snapshot: Back in New York

    Padilim na kasi nang padilim… napapawi lang ang lungkot kapag lumabas na ang mga tala.

    Reply
  18. Dyes
    September 2, 2008 at 10:21 pm (16 years ago)

    ang ganda kasi ng sunset eh :)

    Dyess last blog post..Past Time

    Malungkot na bahagi ng araw, pero simbulo na rin ng magandang gabing darating.

    Reply
  19. Weng
    September 4, 2008 at 1:29 pm (16 years ago)

    ang ganda ng tula mo, toni! pramis! πŸ˜€ ingat ka sa pagupu-upo sa tabi ng daan habang nakatingala sa kalangitan ha! hee hee. πŸ˜€

    Wengs last blog post..LP #23: Tanso (Copper)

    Oo nga baka pagsapit ng dilim ako’y matamaan hehehe. Wag naman!

    Reply
  20. Meeya
    September 4, 2008 at 10:31 pm (16 years ago)

    wow bigla kong na-miss ang concrete road dividers sa pinas haha! πŸ˜€ ganda talaga ng sunset no? fiery pero calming at the same time. :)

    Sa Pilipinas lang ba may ganyan? Hehe. Namimiss mo rin ba ang mga pedestrian na nago-olympics over them pagtumatawid sa kalye? Hehe.

    Reply
  21. tin
    September 5, 2008 at 8:59 am (16 years ago)

    amen sa lahat ng sinulat mo.ganyan rin ang pakiramdam ko pag naw-witness ko ang sunset…

    Parang ang sarap titigan kasi ‘no! Napakaromantic pa!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge