Litratong Pinoy: Tubig

by

Masdan ang tubig

Sumakay ako ng “Finding Nemo” mag-isa. Sumakay? Oo. Ito ay isang ipinagmamalaking atraksyon ng Disneyland, sa California. Ika’y isasakay sa isang “submarine” at ayun na nga, dadalhin ka sa isang mapaglarong (kunwari ay) karagatan. Dahil sa teknolohiya, iyong makikita sina Nemo at ang kanyang mga kaibigang lumalangoy sa labas ng iyong bintana.

Napakasaya’t nakakaaliw talaga. Iba talaga ang kapangyarihan ng Disney. Pakiramdam mo ay isang bata ka muli, habang nakadungaw sa bintana, nakabukas ang bibig habang pilit hawakan ang mga imahe sa tubig.

Ngunit kahit naman gaano kaengrande ang iyong tinatanaw, hindi ito kasing-kulay o kasing-ganda, kung wala naman sa tabi mo ang iyong minamahal.

Sumakay ako mag-isa. Hindi ko kasama ang aking asawa. Siya kasi ay hindi nakasama sa biyahe ko sa Amerika. Ako’y nalungkot at ang kasiyahan ko’y naging panandalian lamang. Kaya naman habang aking minamasdan ang tubig sa labas ng aking bintana, may mga butil din ng tubig na bumuo sa aking mga mata.

Ito ang aking unang lahok sa Litratong Pinoy.

35 Comments on Litratong Pinoy: Tubig

  1. jeanny
    May 22, 2008 at 2:06 pm (16 years ago)

    hello kapatid. welcome sa LP. ganda ng unang entry mo :)

    Kaso nalungkot ako kasi sabi mo nga hindi mo kasama si D. Di bale me pictures naman para i share sa kanya. hehehhe

    Happy LP

    jeannys last blog post..A great friendship with Wifelysteps

    Kapatid! Oo ang mga litrato nalang ang aking naipakita sa kanya. Haha.

    Reply
  2. kaoko
    May 22, 2008 at 2:24 pm (16 years ago)

    Wow, that’s super awesome. Napatigil ako kanina sa Flickr, wondering what it was. Aliw!

    kaokos last blog post..Bopis Bento

    Ngayon alam mo na. 😀

    Reply
  3. RoseLLe (Reflexes)
    May 22, 2008 at 2:29 pm (16 years ago)

    ay magandang ‘experience’ nga iyan…subalit di mo naman makikita si Nemo diyan, sa kadahilanang dito sya sa Sydney nakatira 😀 magandang araw sa iyo.

    RoseLLe (Reflexes)s last blog post..LP8: Water (Tubig)

    Ay ganon ba? Ang cartoon lang niya naman ang aking nakita. 😀

    Reply
  4. G_mirage
    May 22, 2008 at 2:32 pm (16 years ago)

    Mukhang masaya ang pagsakay diyan, kaso takot ako hehe, kahit anong rides ay takot ako lol. Salamat sa pagbahagi, Gandang Huwebes!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Tubig

    Ay hindi naman siya nakakatakot! Tahimik at mapayapa naman ang atraksyon. :)

    Reply
  5. ettey
    May 22, 2008 at 2:40 pm (16 years ago)

    gusto ko din sumakay jan!! 😀 salamat po sa pagbisita! maligayang huwebes sayo.

    etteys last blog post..[LP: Tubig]

    At maligayang linggo naman sa iyo!

    Reply
  6. jennyL
    May 22, 2008 at 2:44 pm (16 years ago)

    ay masarap ngang sumakay sa ganyan makikita natin ang ilalim ng tubig.. naka sakay na rin ako noong pumunta naman kami sa great barrier reef sa australia. tama ka masarap ang pakiramdam ng naglalakbay sa ilalim

    jennyLs last blog post..: LP # 8 Tubig (Water)

    Ang karanasan na itoy’ mailalarawan kong napakapayapa!

    Reply
  7. Leah
    May 22, 2008 at 2:56 pm (16 years ago)

    ang ganda naman ng kuha mo dyan. cool pic! 😀

    happy huwebes sa iyo, toni! :)

    Maraming salamat Leah!

    Reply
  8. Cookie
    May 22, 2008 at 3:25 pm (16 years ago)

    kasi naman eh..bakit di mo kasama swithart mo? pati tuloy ako, naiyak :(

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Tubig

    Hindi kasi sya makaalis sa trabaho eh. :(

    Reply
  9. Kaje
    May 22, 2008 at 3:38 pm (16 years ago)

    sa haba ng pila, tatlong araw namin inabangan ng aking asawa ang sumakay diyan 9kakabukas pa lang kasi ng atraksyin na iyan nuon)…nung huling araw, inagahan talaga namin dahil hindi ko naman keri magantay ng tatlong oras! hehehhee..akala ko hindi ko kakayanin dahil ako’y claustrophobic pero ito’y isang napakagandang karanasan :)

    happy LP!

    Kajes last blog post..LP8 – Tubig

    Wow ang haba naman ng inyong oras sa paghintay! Napakapasensyoso ninyo. :)

    Reply
  10. odette
    May 22, 2008 at 4:50 pm (16 years ago)

    toni, masayang malungkot nga ang litratong yan. ako’y parang naluluha din habang nagbabasa, naalala ko kasi tuloy ang aking asawa na hanggang ngayo’y di ko pa rin kasama. *hikbi*

    odettes last blog post..Pay It Forward!

    Sana’y magkasama na kayo muli! Tahan na. *hugs*

    Reply
  11. Gracey
    May 22, 2008 at 6:26 pm (16 years ago)

    *hinga ng malalim* Alam na alam ko ang ganyang pakiramdam, lalo na kung di mo kasama ang yong minamahal. Sana sa susunod mo di ka na nag-iisa.

    Ang ganda ng kuha mo!

    Maraming salamat Gracey!

    Reply
  12. thess
    May 22, 2008 at 7:15 pm (16 years ago)

    Hi Toni, welcome sa L.P.!
    Mukhang okay yang experience mo na yan ha ..sayang nga lang at hindi kasama si fafah :)

    thesss last blog post..LP #8 TUBIG (Water)

    Mabuhay Thess! Oo nga malungkot dahil wala si fafah. Sa susunod nalang!

    Reply
  13. julie
    May 22, 2008 at 7:37 pm (16 years ago)

    Welcome to LP, Toni.

    Awww, napa-awww naman ako sa entry mo. Ang sweet ha :)

    I’m off to see thast Twilight entry of your, parang di ko pa nabasa, hehe.

    julies last blog post..Walang Tubig. No Water.

    Game na sa Twilight! 😀 If you have updates let me know also!

    Reply
  14. ces
    May 22, 2008 at 8:21 pm (16 years ago)

    ay naku, ito ang d ko naabutan sa disneyland last year! ginagawa pa lang, pero may litrato ako sa bakod nito:) hehe! ganda ng kulay! na-imagine na kita nakahawak ka sa port hole at lumuluha! hahahaha! hirap talaga mawalay sa mahal ano maski ilang araw lang….

    cess last blog post..Litratong Pinoy #8: tubig [water]

    Napakaganda ng atraksyon, Ces! Nakakaaliw! Pero yun na nga, mas masaya kapag ika’y may kasama.

    Reply
  15. tin
    May 22, 2008 at 9:14 pm (16 years ago)

    balik na lang kayo ni husby mo someday. :)

    happy weekend!

    tins last blog post..LP 8: Tubig (Water)

    Sana nga :)

    Reply
  16. mousey
    May 22, 2008 at 9:40 pm (16 years ago)

    kahanga-hanga ang larawan na iyan at ang galing ng mga nakasulat sweet ika nga.

    maligayang huwebes!

    Maraming salamat mousey!

    Reply
  17. Girlie
    May 22, 2008 at 10:06 pm (16 years ago)

    hhhmm, bakit di ko to nasakyan? di bale sa sunod na trip nalang sa Disney

    Sige sana’y masubukan mo!

    Reply
  18. Majik
    May 22, 2008 at 10:29 pm (16 years ago)

    Aba, at wala pa ito noong huli akong dumalaw sa Disneyland. Sayang, sana’y nasaksihan ko din ang kagandahang iyung naranasan!

    Toni, ika’y isinali ko sa “Featured Friends Meme” sa aking blog.

    Maraming salamat Majik! :)

    Reply
  19. komski kuno
    May 23, 2008 at 12:58 am (16 years ago)

    Ayus yung attraction na yan ah:) Gusto ko pa naman nung finding nemo. Naantig ako dun sa part na nasa whale sina Marlin at Dory, yung tense na part, hehehe, ‘tas nadulas si Marlin tinawag niya si Nemo, na something. hehehe.

    Haay, drama talaga kapag di mo siya kasama, haay. Hehe

    Magandang sine at magandang atraksyon din! Madrama nga lang pag mag-isa ka.

    Reply
  20. Lisa's Chaos
    May 23, 2008 at 5:52 am (16 years ago)

    Cool shot! All I got from the words was submarine at Disneyland in CA. :)

    Lisa’s Chaoss last blog post..When animals attack

    You got that two right. 😀 Let me translate it for you:

    I rode “Finding Nemo” by myself. Rode? Yes. This is one of the most popular attractions at Disneyland, California. You’d ride a submarine and go under a playful and pretend-ocean. Because of technology, you’ll get to see Nemo and his friends swimming outside your own sub window.

    It was very enjoyable. Disney’s magic is like no other. Peering out the window, I felt like a child again with my jaw dropping now and then, while I tried to reach for the animations swimming in the water.

    But no matter how grand the sights were, they were not as colorful nor as beautiful, as the love of my life was not beside me.

    I rode “Finding Nemo” by myself. My husband wasn’t with me. He was unable to accompany me to my visit to the States. The happiness I felt suddenly turned to sadness. And that is why while I was gazing at the water outside my window, little drops of water as well formed in my eyes.

    This is my first entry to Litratong Pinoy.

    Reply
  21. lino
    May 23, 2008 at 6:56 am (16 years ago)

    nice…. magandang araw ng biyernes…

    linos last blog post..tubig…(water)

    Salamat Lino!

    Reply
  22. lidie
    May 23, 2008 at 7:23 am (16 years ago)

    miss ko na ang disneyland!
    magandang araw sa’yo!

    lidies last blog post..LP #8 :: Tubig

    Magandang linggo naman sa iyo! :)

    Reply
  23. nona
    May 23, 2008 at 7:50 am (16 years ago)

    wow ang cute naman, makikita si nemo? lol! magandang larawan para sa tema Toni 😉

    nonas last blog post..“Tubig”

    Oo! Makikita mo ang cartoon na Nemo na lumalangoy sa totoong tubig. :)

    Reply
  24. iska
    May 24, 2008 at 4:31 pm (16 years ago)

    hi toni! welcome to litratong pinoy!
    at ang ganda naman ng kuha mo na yan toni :-)

    iskas last blog post..LP#8: Tubig

    Maraming salamat Iska! 😀

    Reply
  25. nina
    May 24, 2008 at 5:52 pm (16 years ago)

    wala nito sa Disneyland Paris :) Sana ay mapuntahan ko din nag disneyland sa california at makasakay din ako dito :)

    ninas last blog post..LP – Tubig

    Magandang karanasan ito, sana’y masubukan mo!

    Reply
  26. Pinay In The Us
    May 25, 2008 at 2:36 am (16 years ago)

    uy muntik nang ‘finding nemo’ din ang lahok ko hehe
    buti na lang iniba ko kundi pareho tayo hihi

    Pinay In The Uss last blog post..LP#8 Tubig (water)

    Haha kung sakaling parehas nga tayo, okay lang yon!

    Reply
  27. Lizeth
    May 25, 2008 at 6:21 am (16 years ago)

    oo nga…malungkot nga ang mag-isa. *hugs*
    salamat sa pagbahagi ng iyong larawan :) happy weekend!

    all time favorite ko ang ‘finding nemo’ :):)

    Lizeths last blog post..Litratong Pinoy #8: Tubig

    Maraming salamat din sa iyong pagdaan!

    Reply
  28. teys
    May 25, 2008 at 10:27 pm (16 years ago)

    mahilig talaga si Disney sa mga hayop ano… :) malungkot maging masaya mag-isa di ba? tahan na :)

    gandang araw!

    Kamusta tes! Oo ang kasayahan mag-isa ay kalungkutan pa rin para sa akin!

    Reply
  29. Mariz
    May 26, 2008 at 2:34 pm (16 years ago)

    ang pagsasalarawan mo sa iyong kwento at salita ay napakanda. nalulungkot lang ako na ang larawang idinikit mo ay di ko makita, ang “Flickr” kasi dito sa Dubai ay di maaaring ilathala (“banned”)… sa kadahilanang ang pag-iisip ng “ISP” pamunuang namamahala ay parang sira! Hahaha… 😀

    Makasali nga din jan sa Litratong Pinoy upang mailabas ko ang aking pagiging makata…

    Marizs last blog post..The Mountain

    Sige Mariz! Makisali ka! Dahil din sa Litratong Pinoy ay nahahasa ko ang aking pagsalita sa sariling wika.

    Reply
  30. Kotsengkuba
    May 26, 2008 at 10:47 pm (16 years ago)

    hey, gusto ko i-try yan? anong klaseng kapekean naman yung kunya-kunyariang dagat? wallpapers o aquarium?

    ganyan din ako madalas dito kapag namamasyal akong wala si antipatika 😉

    Kotsengkubas last blog post..Cebu Pacific and Airport Hotels

    Isa siyang malaking aquarium!

    Reply
  31. sheng
    May 27, 2008 at 9:19 am (16 years ago)

    hi there, i got your blog from swann, i love her blogsite, and i am definitely into bloghopping now, i really am new to blogging. at first, i made myself a blogspot just for the heck of it but now i’m more or less, into it. I love your blogsite too, hope we can be friends, and you can also teach me good blogging guides for starters.

    i am supposed to have a fun escapade at bohol. my boss said we’ll be leaving on the 29th of may. i said yes. but schedules came different as expected, they went their way this morning, without me! let me tell you why. my hubby and i will be celebrating our 8th wedding anniversary tomorrow, the 28th, and i just can’t leave him for the sake of my bohol escapade with the company i work in. too bad to miss the bohol fun, but the guilt will really kill me if i leave a date so special to my heart, and off to be alone on an island without my loved one. it will be such a pain, and just like you, i can only cry. your story touched me. thanks for sharing your blogsite with me.

    shengs last blog post..Make Me a Servant

    Hi Sheng! Welcome to blogging! My tips for you are:
    1. Blog about what you love, the rest will come easily.
    2. Bloghop over to bloggers who share your same interests.
    3. Determine how much of yourself you want to share online.

    Happy Anniversary to you and your hubby!

    Reply
  32. Meeya
    May 28, 2008 at 2:46 am (16 years ago)

    hi toni, welcome to LP. 😀 kaya lang na-sad naman ako sa unang entry mo. sana next week happy memories naman, ok? hehe. *muah*

    Meeyas last blog post..Onward and Upward

    Oo nga. Promise next round masaya na. Hehe.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge