Break muna!!!

by

Medyo makulit ‘tong survey. Sasagutin ko ang mga backlog ko na tags ninyo — malapit na malapit na po. Bakit ako nagta-Tagalog? Ang dami ko na kasing mga dokumentong binabasa at sinusulat na nasa wikang Ingles kaya heto na’t magsusulat muna ako sa Tagalog.

Sagutin niyo na rin ang survey na ito. (Ano nga ba ang Tagalog ng survey?)

*****

Ano ang iyong almusal kanina?
Cereal – Nestle something na low-fat cereal and skim milk. Healthy daw!!!

Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
Yum. Lalagyan ko ng Knorr. 😀 yun liquid seasoning ha, hindi cubes!

Ano ang paborito mong local na junkfood?
Granny Goose Tortillas!!!

Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)
Patay. Mukhang mangingisay sa gutom ang guests ko.
Appetizer: Crostini with garlic and olive oil. —> Charing!!! Toasted bread lang yan na hiniwa sa maliliit na pieces tapos may chopped garlic and dotted with olive oil. With pesto on the side.
Soup: Campbell’s cream of mushroom soup –> lagyan ko nalang ng konting croutons and parmesan cheese.
Main course: Adobong Kangkong and Rice. Para mas sosyal, we will call it “Sauteed River Cabbage.” Yak.
Dessert: Fruit bowl nalang para healthy.

Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Grappa’s. Kasi miss ko na salad nila. Sobrang sarap — Insalata Sara.

Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Gusto ko kumain sa Le Souffle. Hindi pa ako nakakain doon EVER. Yummy ba? Tsaka sa Kashmir, yun authentic Indian food.

May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Langaw.

Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
Palabok and chicken combo.

Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Put the meat in water and boil. Tapos lagyan ng Knorr Sinigang Mix. Then gulay. Marunong ako pero tamad lang magluto. Matagal-tagal na rin akong di nagluluto ng Sinigang.

Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
Er… ketchup. Kung Max’s chicken ya, banana catsup and Worcestershire na hinalo. 😀

Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Dinuguan 4Ever. Alam kong madugo ito (literally and figuratively) pero ayoko nang malaman ang buong proseso. Basta alam kong masarap yan with puto.

18 Comments on Break muna!!!

  1. Emer
    June 15, 2007 at 4:54 pm (17 years ago)

    Almusal ko kanina repeat ng almusal namin ni Mari kahapon, wheat pancakes ng Delifrance. I eat my nilagang itlog with iodized rock salt. Hindi ko alam kung junkfood ang Choco Mallows ng Fibisco, pero yun ang favorite ko! Engradeng pagtitipon? Appetizer – my cabbage salad. Soup – mushroom soup din. Main Course – steamed chicken breast fillet with asparagus. Dessert – sugarfree tiramisu. Kakain sa Resto ngayon? Siguro pupunta ako sa Conti’s. I miss their baked salmon! Resto I haven’t been to? Gusto ko sa Sushiya sa Tsukiji market. I want to taste the sushis there! Ayoko ng sobrang anchovies sa pizza. Soulmate and I always order the saguing na saba ice craze in Jbee. For sinigang, I use real sampaloc. I do that only if my time permits it. Banana or chili ketchup with fried chicken — perfect partners! Dinuguan? Opkors! I even know how to cook it.

    Reply
  2. missyosigirl
    June 15, 2007 at 7:57 pm (17 years ago)

    Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
    Palabok and chicken combo.

    pareho tayo!!!

    Reply
  3. Daphne
    June 15, 2007 at 8:18 pm (17 years ago)

    Ok sasagutin ko na rin dito – almusal ko kanina oatmeal with kopi. I would crack the itlog muna on the table, take off the shell and dig in. Jack n Jill Chippy! I will pass the occasion to be TOP CHEF kasi puro junk food iseserve ko. I want to dine at Penang Hill for some Nasi Goreng. I want to try Bellini’s I believe it is somewhere in the Marikina area. I don’t want pineapple on my pizza, no thanks. Oh Jolly Yum burger with cheese and chocolate sundae from Jollibee, always always! Di po ako marunong magluto ng sinigang 😀 Ketchup of course with fried chicken. Yes I love dinuguan with puto as to how it is made well I think it is literally bloody pig insides, right? :)

    Reply
  4. abby
    June 15, 2007 at 9:14 pm (17 years ago)

    ay sasagutin ko yan, masaya nga.

    natawa naman ako sa langaw, kunsabagay parang walang masasayahan pag yan ang nakitang topping sa pizza. 😀

    Reply
  5. cookie
    June 15, 2007 at 11:40 pm (17 years ago)

    Yaman din lamang na sa ika’y lumikha ng isang obra maestra gamit ang wikang Tagalog, karapatdapat lamang na gamitin ko ang siya ring wika para ipaalam ko sa iyo ang aking saloobin ukol sa iyong naisulat. Oks ba?

    Uumpisahan ko na..pupuwede kang maging “spokesperson” ng Knorr dahil napansin kong mahilig kang gumamit ng mga produktong Knorr. Pareho tayong mahilig umorder ng palabok-chicken combo meal sa Jollibee. Subukan mong lagyan ng kaunting toyo o Knorr seasoning ang iyon catsup, malinamnam ito. Di pa ako nabiyayaang makakain sa Grappa’s kaya’t wala akong masasabi. Ang dinuguan ang isa sa pinkamasarap na lutuing Pinoy. Lalo na yung gawa sa Barrio Fiesta. Ang Le Souffle ang isa sa mga paborito kong restoran. Di lamang dahil abogado nila ang asawa kong mahal, talaga namang masarap magluto si Jessie Sincioco. Kung ako’y tatanungin, ang paborito kong putahe roon ay ang seabass nila. Nakapandidiri nga naman kung madapuan ng langaw ang iyong pizza. Lalo na kung galing ito sa..di na bale.

    Yun lamang naman ang aking masasabi. Maraming salamat. Mabalos :)

    Reply
  6. Lisa
    June 16, 2007 at 12:19 am (17 years ago)

    “Ano nga ba ang Tagalog ng survey?”

    Pagsusuri o pagsisiyasat.

    Ako rin biglang napaisip.

    Buti na lang may Gabby’s Dictionary. Ayos.

    Reply
  7. Rachel
    June 16, 2007 at 12:37 am (17 years ago)

    May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
    Langaw.

    Kahit ako ate ayaw ko nyan hehe, favorite ko pa naman ang pizza. happy eating!

    Reply
  8. annastasa
    June 16, 2007 at 12:43 am (17 years ago)

    Ha ha ha. Nakaka-aliw naman ito. Game…

    1. Ang almusal ko kanina ay kape. Yun at yun lang. 2. Hindi ako kumakain ng nilagang itlog. Maliban sa ito’y amoy utot, ito’s nakaka-utot din he he he. 3. Oishi Potato Ridges (Onion & Sour Cream) 4. Yaikks. Ipapa-hypnotize ko na lang yata kay Madam Auring and mga bisita at paulit-ulit na sasabihing: dighay, busog ako, busog ako… 5. Thai Kitchen. Kakain ako ng mudfish salad… 6. Sige na nga, Grappa’s. 7. Pinya. 8. Palabok at french fries w/ mayo 9. Ilaga ang karne, idagdag ang tinadtad na kamatis at sibuyas at pakuluin ng mga 10 mins, lagyan ng Knorr sinigang mix, pakuluin, lagyan ng radish at okra at patis at sili. Patayin ang apoy at ilagay ang kangkong. Sarap… 10. Mayonnaise. 11. Masarap ang dinuguan, lalo na kung may gata at sili…

    Reply
  9. kaoko
    June 16, 2007 at 2:35 am (17 years ago)

    Toni:
    Paumanhin. Ikaw nauna, nahawa lang ako. Well, partly kasalanan mo, partly dahil rin sa mga video clips ng Temptation Island na pinanood namin sa youtube kanina sa trabaho.

    ——

    Aba! Game ako dito!

    Ano ang iyong almusal kanina?
    Wala! Pero nag hot chocolate ako pagdating sa trabaho. Kakabili ko lang na Japanese hot chocolate, gawa ng Morinaga. Mantakin mo bang may shot daw ng Remy Martin yun? Di ko alam kung totoo, ipapabasa ko pa sa kaibigan kong Haponesa ang nakasulat. Mahirap I-feature sa blog pag di ko alam ang nakasulat sa pakete.

    Ikaw ay may itlog

    Reply
  10. cbs
    June 16, 2007 at 11:34 am (17 years ago)

    1) whole grain quaker oats tsaka skim milk. boring. buti na lang boring din ako.
    2) hihiwain ko tas ilalagay ko sa palabok. pero dahil matagal magluto ng palabok tsaka natatamad ako, sana wala na lang akong nilagang itlog.
    3) local is relative. tostitos siguro, dinawdaw sa salsang puno ng jalapeno.
    4) pagpalagay nating pinoy-themed ang party: sa cocktails, lumpiang shanghai, crab legs (tanggal na ang shell pwera lang sa pinaka-sipit para dun mo sya hahawakan) tsaka bite-sized na okoy. ang soup, pesang lapu-lapu. ang entree, pancit bihon-guisado, lumpiang ubod (ng sarap), ginataang manok, steamed pechay, at beef with ampalaya. dessert, halo-halo.
    5) dahil taga miami ako, pupunta ako sa provencal sa coral gables. french.
    6) merong isang restaurant sa australia (sa sydney yata) na isang buwan daw ang advanced reservation. gusto ko magpunta dun at naiintriga ako. naalala ko tuloy yung pelikulang once upon a time in mexico. sabi ni johnny depp tukoy sa pagkain nyang napakasarap, this food is so good i will have to kill the chef. yung chef sa sydney resto, malamang e katayin ko din kung sakaling walang lasa ang pagkain nila.
    7) never na magkaroon ng pizza sa harap ko dahil ayaw ko makakita nito.
    8) nung nasa pinas pa ako, hmmm, chickenjoy.
    9) eto, secret to a great sinigang dish. sa halip na instant paasim, gamitin mo e lemon grass, tas dagdag sa kamatis sibuyas e lagyan mo din ng luya (laluna sa baboy para matanggal ang lansa!) sa seafood sinigang, the best ang kingfish kasi firm ang laman nya. sa gulay, the best ang mustasa (mustard green) kapag karne, o talbos ng kamote (potato leaf) kapag seafood.
    10) rice and black beans. kapag kompleto na ang pagkakaluto sa fried chicken, hindi na nya kelangan ng condiments. iparehas mo na sya sa side dish, ne’. (eto tip sa f.c. – maghalo ng corn starch, asin, paminta, tsaka paprika. ibudbod mo dun ang manok. pag di ka pa naman tumaba nyan, ewan ko na).
    11) alam ko, at gusto ko ang dinuguan, laluna yung maraming sili. ang di ko maintindihan, kahit nung nasa pinas ako, e bakit sya napabagay sa puto. black/white fetish? nyar.

    Reply
  11. Em Dy
    June 16, 2007 at 11:01 pm (17 years ago)

    Bola-bola Siopao from Dimsum and Dumplings kasi yun palang ang open na store this morning and I didn’t want to be late for an appointment…..Nilagang itlog as it is. No salt or seasoning. But first, babalatan ko ng maayos na maayos. Dapat walang sasamang itlog sa shell…..Oishi Potato Chips, ang sarap buksan kasabay ng opening credits ng movie…..Makikilala akong Top Chef na microwaveables ang expertise, di ba pwedeng magpadeliver?…..Sumo Sam for the tori chizu roll for NOW and anytime…..Spiral ang dream restaurant ko kasi best buffet in town daw…..Tinatanggal ko ang black olives sa pizza…..Longganisa meal kasi most of the time, breakfast ang punta namin sa Jollibee…..Marunong akong mag-ORDER ng sinigang…..As it is ang fried chicken ko. I try NOT to add salt in the table but pag Max’s fried chicken, di ako makatiis, dapat may Jufran……Hated dinuguan while growing up. My tita who cooks in the family would refrigerate the blood and the ref would smell icky. Rediscovered diniguan when we moved away from my tita and while in school. Only eat the pork too. I leave behind the soup and other ingredients.

    Reply
  12. Meeya
    June 17, 2007 at 1:30 am (17 years ago)

    sasagot ako nito :) para naman may makulit na update ang blog ko, hehee.

    love ko rin tortillas! yung pula! 😀 pero wala niyan dito, huhuhu. tapos ayaw ko rin ng langaw sa pizza, at palagay ko magugutom din guests ko pag ako ang top chef hehe. tapos naka-kain na pala ako sa le souffle kasi dun kami unang nag-date ni hubby (pa-impress kasi, frenchy chuva).

    Reply
  13. iska
    June 17, 2007 at 5:16 pm (17 years ago)

    1. donuts na ininit sa microwave at kape.
    2. isasawsaw ko lang sa asin at kakainin ng mga 3 hanggang apat na subuan.
    3. chippy!
    4. naiisip ko mga local Chinese dito ang mga bisita ko kaya yung alam kong gusto o magugustuhan nila…
    Appetizer: burong mustasa at atchara (oops… tagal na ako d gumagawa ng atchara kaya pa kaya ng powers ko?)
    Soup: suptulang (oxtail soup na medyo hawig sa bulalo natin)
    Main course: CPA (chicken & pork adobo) at ginataang sitaw/kalabasa na may hipon at plain rice
    Dessert: saging na lang o mangga na imported galing pilipinas (daw) na nabibili dito sa mga supermarkets.
    5. Dun sa isang government-owned old Chinese resto dito sa Beijing (don’t know the name). sikat sya sa peking duck. nami-miss ko na kase ang authentic peking duck e.
    6. Sa Lan. Chinese resto dito na designed ni Philip Starck. Hindi naman daw maganda ang service nila pero syempre… gusto ko lang makita ang design. :-)
    7. Hahahaha syempre ayaw ko din makakita ng langaw ano hehehehe… at ayaw ko din ng buhok lalo na kung kulot.
    8. gusto parate yung almusal… tapa o corned beef.
    9. dahil wala akong tamarind o sinigang mix… lemon ang ginagamit kong pampaasim. paborito kong gulay na halo ay sitaw, talong at gabi. kung may okra din na available ok din.
    10. kanin! kanin lang para sa akin kahit walang ketchup ay OKs na.
    11. kumakain ako at nagluluto din. ang alam ko na kinatatakutan dito ay dugo itself at kung may sagog na bituka. pero masarap sya talaga!

    Reply
  14. iska
    June 17, 2007 at 5:21 pm (17 years ago)

    ahaha! bakit ko nga ba sinagot dito? masaya nga pala kaya tulad nila ay ilalagay ko na din sa blog ko hehehehe….

    Reply
  15. Tin
    August 22, 2007 at 11:24 pm (17 years ago)

    ang survey ay pagsasalikisik tungkol sa isang bagay, proyekto at maaari din sa isang ginagawang plano.

    Ang paborito kong almusal ay kape na walang sugar, and pairs of hansel biscuit mocha filling. dip it and swallow with style.

    cheesy mushroom melt with cup of coffee.

    ang naiibang davids seafoods recipe, with nuts and cripsy fresh potato,plus bottles of red wine.
    Siempre kailiangan haluan ng mahal na kilo ng pusit ang special at modernong spicy seafoods vegetarian pansit.

    Ganon pa man, kami ay nalilibang, natututo at nagiging malikhain sa aming sariling pamamaraan. Ang iyong makabagong paraan ng pananalikisik ay nakakatulong para mahasa ang aming kaisipan. Dahil alam anamin na ito ay may layunin. Layunin para sa hinaharap.
    Rack n rOLL BILLIARDS AND CAFE, KSEH MASARAP ANG naiibang lasa ng butter chiken, ang nakakabusog at sulit na pansit, and personalized na luto ng mayari nitong rack n roll na hinahanap hanap dahil may kasama itong pagmamahal na hanaphanapin mo. may after taste ika nga. Taste na di puede paliwanag ng syensya.

    Maraming salamat.

    Reply
  16. Yucatan Beach Homes
    March 6, 2014 at 7:35 pm (10 years ago)

    This is definitely attention-grabbing, You are an excessively specialist blog writer. I’ve truly signed up with ones feed and search toward within goal of excess of your respective superb publish. Likewise, I’ve truly embraced your web site around my myspace

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge