Mga Aral Dulot ng Kabuteng Mesa

by

Mushroom Tables

Ito ang tinatawag naming “Mushroom Tables.” Ang mga mesang ito ay punung-puno ng mga estudyante tuwing rises, tanghalian at uwian. Ang mga magbabarkada’y nakaupo na sa bawat silya at tiyak na nagbubulungan ng mga sikreto, kumakain ng napakasarap ng barbekyu galing sa kapeterya, o kaya naman ay nag-aaral para sa isang pagsusulit.

Katapat lang ng mga mesang ito ang aming mga silid-aralan. Kaya naman kapag tumunog ang kampana, takbo kaagad dito ang mga mag-aaral. Isa ito sa aking mga paboritong lugar sa aming paaralan.

Marami akong natutunan sa mga pagtambay sa mga kabuteng mesa tulad ng:
1. Kahit ang barkada ay eksklusibo, maaari pa rin magkaroon ng kaibigan na taga-ibang barkada.
2. Masakit mangagat ang higad.
3. Ang malalalim na usapan kasama ang mga kaibigan ay masmasaya kapag kayo-kayo lang ang nasa teritorya ng mushroom tables.
4. Nakakatulong sa pag-aaral ang ibabaw ng mga mesa dahil malamig ito! Hindi ka maiinitan (syempre basta hindi ka namang tanghaling tapat nag-aaral doon).
5. Kapag lima kayo sa barkada at apat lang ang upuan, pwede namang makihati ng upuan ang isa. Tapos salitan nalang.

Ang pag-aaral ay hindi limitado sa mga silid-aralan. Hindi ko na maalala ang kabisera ng ilang probinsya, ang mga petsa kung kailan nasakop ang iba’t ibang bansa, ang pagkakaiba ng panag-uri sa pang-uri. Ngunit naaalala ko ang limang aral na dulot ng mga kabuteng mesa ito, at kahit paano ay nagagamit ko ito sa kasalukuyan.

Kung nakasasalita ang mga mesang ito, ang dami siguro nitong sikretong masasabi ano?

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy: Pag-Aaral.

Would you this in English?

Lessons from the Mushroom Tables

Mushroom TablesThese are what we call “Mushroom Tables.” During recess, lunchtime and dismissal, these tables are filled with students. Circles of friends gather around tables and whisper secrets, eat delicious barbecue bought from the school cafeteria or study for an upcoming exam.

Across these tables are our classrooms. Once the school bell rings, students rush to these mushroom tables. It was one of my favorite hang-outs as a pupil.

There are lessons I learned from hanging out at these mushroom tables:
1. Even if your circle of friends tends to be exclusive, it is perfectly fine to be friends with those who belong to other cliques.
2. Caterpillar bites hurt.
3. Deep conversations with friends are best enjoyed when you have the whole mushroom tables area to yourselves.
4. The cool tiles of the table help ease one’s studying — for as long as you’re not studying under the afternoon sun!
5. If there are five friends and four seats, one can always share half a seat with another. Then take turns sharing seats.

Learning is not limited to classrooms. I can hardly remember the capitals of some provinces, dates when countries were colonized, some terms in Filipino grammar. But I do remember these five lessons I learned from the mushroom tables, lessons I somehow still apply to life right now.

And my, my, if these mushroom tables could speak, they’d probably have a lot of secrets to share don’t you think?

24 Comments on Mga Aral Dulot ng Kabuteng Mesa

  1. ayen
    June 26, 2008 at 11:24 pm (14 years ago)

    Oo nga naman, ung mga karanasan kasama ang mga kaibigan o kaklase ang mas naalala. :) Konti lang ang konting mesa sa aming paaralan. Hmm, saang eskwelahan kaya ito?

    ayens last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral

    Sa Holy Spirit. :)

    Reply
  2. jeanny
    June 27, 2008 at 12:27 am (14 years ago)

    hi Toni. Cute naman sa school nyo. Parang sarap mag stay dyan sa mga mushroom tables at sarap kumain ng baon sandwhich na gawa ni nanay. :)

    Happy LP kapatid

    jeannys last blog post..Get going now!!!

    Napakasarap tumambay diyan lalo na kapag nakauwi na ang lahat. Tapos kayo-kayo nalang ng barkda mo ang nandiyan sa mga mushroom tables.

    Reply
  3. kayni
    June 27, 2008 at 1:21 am (14 years ago)

    what is the difference between panaguri and pang-uri? i don’t remember either. your school looks really nice. by the way, what is higad?

    kaynis last blog post..Complaint to the Sweat Department

    The difference? I can hardly recall. Is there a Pinoy grammar whiz out there?

    Higad is a caterpillar!

    Reply
  4. ces
    June 27, 2008 at 2:11 am (14 years ago)

    patawa naman ang keycode ko! anyway, i think i know those mushrooms!!! this is in the SHS grounds, tama ba? ahh, high school days….i can still remember long chats and never ending pigging out that happened there…#5 the fifth person can take the table too!:) i think during my time, hindi pa ganito karami ang mga mushrooms na iyan, aba at totoo pala ang kasabihang ‘para kang kabute!’ hehe:)

    Yez! At the SHS grounds sa may gradeschool. :) At tama ka, nagsulputan nga ang mga mushroom tables na parang kabute!

    Reply
  5. Junnie
    June 27, 2008 at 5:28 am (14 years ago)

    iba ang mga ala-ala na natatamo natin sa mga lugar na ating pinag kalakihan…sana makabalik ako sa tambayan nung bata pa ako…sa fountains sa San Beda…

    ito ang lahok ko: http://pic.blogspot.com/2008/06/ang-galing-galing.html

    San Beda! Diyan din nag-aral ang aking esposo! πŸ˜€

    Reply
  6. julie
    June 27, 2008 at 7:36 am (14 years ago)

    Magaganda at me hindi din, mgaaral ang mapupulot sa mga pagkakataong ganito na nakikisalamuha ang mga bata sa kanyang mga kaibigan.

    Yan, yan ang nami-miss ng dalawang anak ko sa aming pagho-homeschool. Pero pasasaan din at sila ay mag-eenrol din sa real school.

    Ang ganda ng mga mushroom table na yan :)

    At ang ganda ni Toni in person. I am so glad I have met you :)

    julies last blog post..Learning is Not Just Studying

    Kamusta Teacher Julie! I am so glad to have met you too! Thanks for the compliment. πŸ˜€

    Reply
  7. Cookie
    June 27, 2008 at 7:56 am (14 years ago)

    atenista ka di ba? di ba sa quad ang daming higad. may tambayan din kami noon dun malapit sa assoc. kami yung girl contemporaries nila nuon. sa harap lang kami ng chaplain’s ofc kaya swak sa asaran ng mga assoc members. wag mo na lang itanong ang year kasi lola na ang byuti ko eh..hehehe πŸ˜€

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Itay at Pag-Aaral

    Ola Cookie! Oo, Atenista ako. Ngunit ang nakalitrato dito ay ang mushroom tables ng aking gradeschool days. πŸ˜€ At sa college naman… Sa may assoc ka pala ha! Ako naman sa Quad 2 tumambay tsaka sa Lib Steps. Malayo sa sibilisasyon haha. At marami nga ring kasing higad sa Quad eh!

    Reply
  8. sheng
    June 27, 2008 at 8:27 am (14 years ago)

    whatever is higad, i don’t wanna be a victim of it. Toni, permission to use this article for my magazine, it’s a magazine intended for high school students of Socsargen Provinces. I lack articles, and when you give me the permission to have the article pero nakapangalan naman sa iyo as writer/author, I will surely send you a copy of the mag. Thankies…

    Pretyy please, please, please….

    shengs last blog post..Grateful Heart

    Higad? Isa siyang makating caterpillar. *shivers* Akala ko cute eh. Hinawak-hawakan ko pa yun mga balahibo. Yun pala doon ang bahagi ng kanyang katawan na nagdudulot ng kati at sakit! Sos!

    Sige I’ll email you about the blog entry in the magazine. πŸ˜‰

    Reply
  9. evi
    June 27, 2008 at 8:40 am (14 years ago)

    minsan masarap mag-aral sa labas ng bahay lalo na’t sa lugar na katulad ng larawan dito.

    evis last blog post..The Morning After

    Tama! Lalo na kapag napakasariwa ng hangin.

    Reply
  10. ibyang
    June 27, 2008 at 8:45 am (14 years ago)

    ang ibang mga importanteng aral sa buhay ay natutunan ko sa mula sa pakikipag-kaibigan ko nung nag-aaral ako. :)

    ibyangs last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral

    Maraming matutunan sa simpleng pagkakaibigan diba!

    Reply
  11. Bahchi
    June 27, 2008 at 12:54 pm (14 years ago)

    Natawa ako sa masakit mangagat ang higad hehe… nakagat ka ba? :) Naalala ko rin na may mga tambayan sa school dati. Rain or shine (may bubong naman kasi) talagang di pwedeng di dadaan doon para makapag-chikahan ng konti bago umuwi :)

    Salamat sa pagkomento sa lahok ko.

    Bahchis last blog post..LP: Pag-aaral

    Oo! Bukod sa nangati na ang daliri ko, sumakit pa dahil sa kagat! Hay naku. Ang malas ko talaga nung araw na yon.

    Reply
  12. G_mirage
    June 27, 2008 at 1:56 pm (14 years ago)

    Masaya di ba na sa loob at labas ng classroom ay mayroon tayong mga kaibigan…mukhang masaya ang pag-aaral mo noon dahil jan! Happy LP!

    Maraming magagandang karanasan ang naidulot ng mga mushroom tables na ito para sa akin at sa aking mga kaibigan!

    Reply
  13. caryn
    June 27, 2008 at 2:46 pm (14 years ago)

    toni! sa elem scholl namin, batibot ang uso. but yes, beware of higad!

    caryns last blog post..

    Batibot! Uso din naman sa amin yon. πŸ˜€

    Reply
  14. Thess
    June 27, 2008 at 3:25 pm (14 years ago)

    Toni, masakit nga mangagat ang higad, ekkk!!

    pag kulang ang upuan, tama, cheek to cheek nga ang iba *lol*

    Haha cheek to cheek nga!

    Reply
  15. Pinay MegaMom
    June 27, 2008 at 5:37 pm (14 years ago)

    The memories that such photographs bring back to us are comforting, aren’t they? Makes one miss those days of childhood innocence. This makes me remember my own grade school. We didn’t have these fancily decorated tables. Yours are pretty cute!
    Do caterpillars (higad) bite? I think the bristly hairs prick and cause a painful skin rash, something like an allergy.

    Pinay MegaMoms last blog post..Grandpa’s Manila

    Apaprently they do bite. :( Learned the hard way!

    Reply
  16. KD
    June 27, 2008 at 8:38 pm (14 years ago)

    Tama ka na di lahat ng kailangan nating matutunan ay matatagpuan sa loob ng silid-aralan…tulad na lang ng masakit makagat ng higad hehe.

    KDs last blog post..LP# 13- Pag-Aaral

    Haha! Buti nalang isang beses ko lang natutunan ang leksyon na yan!

    Reply
  17. ner
    June 27, 2008 at 10:15 pm (14 years ago)

    thanks sa pagdaan! gusto ko ung #2 na aral hehe ^^
    sa pagkakaalala ko ang panaguri ay predicate habang ang pang-uri ay adjective. nakisawsaw lang hehe.

    tunay na ang memories ng barkada ang higit na maaalala kesa sa mismong pinag-aralan. sa eskwela ko nakilala iba sa mga matatalik kong kaibigan eh. πŸ˜€

    maligayang paglilitrato! :)

    ners last blog post..Sunog na Kilay (Burnt Brows)

    Ah! Salamat sa pagbigay ng pagkakaiba ng panag-uri at pang-uri! πŸ˜€

    Kita tayo ulit sa susunod na LP!

    Reply
  18. iska
    June 28, 2008 at 7:34 am (14 years ago)

    ang ganda ng take mo sa pag-aaral. mga bagay bagay na natututunan natin sa labas ng paaralan. πŸ˜‰

    iskas last blog post..Sisig but ain’t Sizzling

    Hindi ko na talaga maalala ang ibang mga tinuro sa Araling Panlipunan at Balarila eh. Pero ang mga leksyon tungkol sa buhay alalang-alala ko!

    Reply
  19. Rachel
    June 29, 2008 at 2:57 pm (14 years ago)

    ang ganda nman ng reflection mo Ate Toni about sa kabuteng upuan at mesa

    Rachels last blog post..β€œFrank”

    Salamat Rachel!

    Reply
  20. iris
    June 30, 2008 at 5:37 pm (14 years ago)

    hi toni! saang eskwela yan? :)
    parang di ko na rin natatandaan yung mga pinagaralan namin nung HS tungkol kay magellan pero yung crush ng bestfriend ko noon tandang-tanda ko pa. pati address! haha.
    good times.

    iriss last blog post..Walang kwenta

    Sa School of the Holy Spirit. :)

    Reply
  21. Lissa
    July 2, 2008 at 4:39 am (14 years ago)

    I was gonna say na I remember those chairs. hahaha.. Sa Holy Spirit pala. Nakakamiss naman.

    I wonder if we shared a moment at the mushroom tables? πŸ˜€ Ah, high school!

    Reply
  22. kate
    July 4, 2008 at 4:35 pm (14 years ago)

    Toni!!!! i miss holy spirit! mushroom tables are the best!!! heehee…mosaic pa talaga eh… it would be fun if we could just go back to the mushroom tables and ask them what our secrets were when we were in grade 4 or when we were in high school. ..i like this post :)

    Hi Kate! Happy to have sent you down happy memory lane. :)

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge