Kwentong Tambay in Print!

by

Nangyari na ba ito sa ‘yo? Walang ingay sa opisina kundi ang pag-type ng mga katrabaho mo, ang ring ng mga telepono, ang mga bulong ng ibang nagmi-meeting, ang pag-ci-click ng mouse habang pasurf-surf ng net nang biglang mapapatawa ka nang malakas? Isang halakhak na kagulat-gulat pero dedma ka nalang kung pinagtitinginan ka ng mga katrabaho mo?

batjaysbook Madalas mangyari sa akin yan kapag binabasa ko ang blog ni Batjay. Nakakaaliw ang kanyang mga komentaryo tungkol sa buhay-buhay, ang mga liham na “Dear Unkyel Batjay,” pati ang mga komiks niya. Panalo ang blog ni Papa Batjay. Siguradong mapapangiti ka sa kanyang makukulay na kwento.

Kaya naman laking tuwa namin sa Blogkadahan nang malaman naming meron na siyang libro! Congratulations Batjay!!! Ang galing-galing mo! Natutuwa ako dahil (1) mapapabasa ko na ang mga katha ni Batjay sa mga kaibigan kong ayaw mag-internet, (2) mababasa ko siya kahit kailan ko gusto (wala kasi kaming internet sa bahay), at (3) mas maraming makakabasa ng mga nakakaaliw niyang kwento (marami pa rin akong kilala na walang internet). Mas dadami pa ang mapapatawa, mapapangiti at mapapahanga ni Batjay dahil sa librong ito. Basahin niyo rin ang entry ni Manuel L. Quezon III tungkol sa Kwentong Tambay.

Kung interesado kayo sa mga katha ni Batjay, mag-request tayo sa Fully Booked, Powerbooks at National Bookstore. Kaka-email ko lang sa Fully Booked at maganda naman ang nakuha kong sagot, mukhang tutulungan nila ako sa paghanap ng libro ni Batjay. PSICOM ang publisher. Abot-kaya rin ang presyo, P100 lang. Suportahan natin ang mga Kwentong Tambay ni Batjay ha! Sigurado ako na kapag binasa niyo ito, hahalakhak kayo nang husto na pati mga katabi mo sa opisina eh maiintriga’t hihiramin pa ito sa ‘yo.

Congrats ulit, Batjay. Mabuhay ang iyong mga Kwentong Tambay!

11 Comments on Kwentong Tambay in Print!

  1. Jerome_Daclison
    September 4, 2006 at 5:52 pm (18 years ago)

    syalala. oorder ako. simple lang ang buhay. kailangan tumawa.

    Reply
  2. delish
    September 4, 2006 at 9:42 pm (18 years ago)

    Jerome… pramis matutuwa at matatawa ka talaga dun sa book :)

    Toni sis… have I ever told you how infinitely wonderful you are? I really, really appreciate your ready kindness when you saw how troubled I was. I’m so lucky to have people like you in my life… and though I keep forgetting, I know in my heart of hearts, that people like you and me need not really become pregnant and give birth to be mothers… we already are because we’re overflowing with love and hope and faith that Life is good and God rewards…

    but of course, i really wouldn’t mind twins 😀 ahehe…

    Reply
  3. eye
    September 4, 2006 at 10:01 pm (18 years ago)

    wooow may libro na si kuya batjay! ang sarap ipangregalo nito 😉

    Reply
  4. BatJay, Ang Dating Folk Singer ng Ma Mon Luk
    September 5, 2006 at 3:12 am (18 years ago)

    hi toni.

    thank you very much. bigla tuloy akong nahiya sa mga sinabi mo. ang pinakamagandang tribute siguro sa mga sinulat ko ay yung malakas na tawa. yan ang metric ko na ok ang aking post kaya pag natawa ng malakas si jet habang nagbabasa eh ibig sabihin nito ay ok ang sinulat ko.

    ingat,
    jay

    Reply
  5. Joey
    September 5, 2006 at 4:07 am (18 years ago)

    Ampucha, nautot ako sa katatawa….magiging regular ako at hahanapin ko ang libro.

    Reply
  6. Toni
    September 6, 2006 at 2:54 pm (18 years ago)

    Hey guys, just got word from Batjay that this book will be made available by FILBAR’S beginning this Friday. I’ll watch out for it and let you guys know if there are any changes!

    Reply
  7. watson
    September 7, 2006 at 6:24 pm (18 years ago)

    We love the book!

    About the Archie questions list, medyo nagimbal ako dun ah. Don’t tell me alam mo lahat ng answers for that! What memory! Konting konti lang masasagot ko dun!

    Reply
  8. Lani
    September 14, 2006 at 5:17 pm (18 years ago)

    Really meron na sa Filbar’s? Makapunta nga. Galing talagang sumulat ni Batjay, kwelang-kwela, kakasakit ng tiyan.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






CommentLuv badge